XXXVI. Ava Cameron

3.9K 130 5
                                    

***********
Alena

" Aston!" Tawag niya sa maliit at napakagandang tuta na ngayon ay gumagalaw ang bontot papalapit sa kanya.

" Aston?" Nagtatakang sabi Ni Karina.

Malapad ang ngiting binigay niya rito. " Hindi ba kaygandang pangalan?" Nasisiyahang sabi niya.

Napailing si Evan. " tsk. Hindi ko aakalaing mas papahalagahan mo pa ang buhay ng maliit na hayop na iyan kaysa sa iyo Alena"

Napanguso siya sa sinabi nito.
" Hindi mo ba nakikita kung gaano siya Kahina para protektahan ang kanyang sarili Evan?"

Napaikot ang mata ni Remedes sa kanyang sinabi. " Parang kaya mong Protektahan ang iyong sarili Alena. nalilimutan mo ba kung ano ang maaaring mangyari?" Galit na sabi nito.

Napangiti siya sa pagaalalang binibigay nga mga ito.
Niyakap niya ang kanyang tuta , hinarap niya ito sa kanyang mukha at hinalik halikan.

Kita niya ang pandidiri ni Remedes Rito.

" Hindi naman ako napahamak diba Aston ko?" sabi niya sa Tuta na animo'y naiintindihan ang kanyang sinasabi.

Rinig niya ang " Tsk" ni Evan.
Ramdam niya ang pag-iling ni Karina.

" Saan mo nakuha ang pangalang iyan?" Nauusisang sabi ni Remedes.

Malapad ang ngiting bingay niya rito
" Easton- Aston"

Napatahimik ang mga ito ngunit umingay rin dahil sa lakas ng tawa ni Evan. Kita niya ang pagpipigil ng dalawang kaibigan.

Napangisi si Evan " Hindi na ko makapaghintay na makita ito ng Alpha, wag mong kalilimutang ipaliwanag kung saan mo nakuha ang pangalan niya Alena".

Napakunot siya animo'y may nais itong ipahiwatig.

*********
Philip

"Sino ka?!" Sigaw ni Philip ng makita ang isang babaeng nakapasok sa kanyang silid.

Tiningnan niya ang kabuan nito at hindi niya mapigilang mapahanga sapagkat ito na ata ang pinakamagandang nilalang na kanyang nakita.

Kulay kayumanggi ang buhok nito na tela alon. Ang ilong nito ay hindi gaano matangos na nanaaayon lamang sa makipot nitong bibig na nais niyang tikman.

Napailing siya, ano itong kanyang iniisip?

Napukaw ang atensyon niya ng muli niya itong tingnan sa mata. Kita niya ang mapang-akit na tingin nito.

" Tinatanong kita babae, sino ka?" Dahil batid niyang ngayon niya lamang ito nakita.

Isa ba itong tiktik sa kanilang nayon?

" Paumanhin kung nagulat kita Delta" Nanginit siya ng makita ang napakatamis na ngiti sa labi nito dahilan upang makita ang dalawang matulis na pangil sa bibig ng kaharap.

Ngunit hindi iyon ang dahilan ng kanyang nararamdaman kundi ang naguudyok sa kanya na ito'y hagkan at ilapat ang malambot nitong katawan sa kanya.

Napaangil siya sapagkat ngayon lamang siya nakaramdam ng Ganito.

Batid niya kung anong uri ang nasa harap, isa itong bampira. Ngunit papaano ito nakapasok sa kanilang nayon? Kanyang pinagtataka.

" Papaano ka nakapasok sa aking silid? At sino ka Babae?" Muli niyang tanong.

Kung sa ibang pagkakataon lamang ito ay malamang ay inakit niya na ito at sinipingan bagay na iniisip niyang gawin.

Napangisi ito " Tsk tsk. Tulad karin ng iyong pinuno Delta at di ko nais gawin ang bagay na iniisip mo"

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon