XLII.SIMULA NG PAGBABAGO

3.6K 132 11
                                    

PRINSESA LORIELA

"Ama ikaw ba ang may pakana sa pagpaslang sa isang alipin??" nagtatakang tanong ng Prinsesa sa kanyang amang hari na ngayon ay tahimik na nakaupo sa antigong upuan. Nakaharap ito sa labas ng bintana habang ang isipan nito'y tumatakbo sa kung papaano nito makukuha ang kayamang nakatago sa malawak na lupain. Napangisi ito sa sinabi ng anak.

" Ang akala mo ba'y isa akong mangmang upang magisip ng ikakasira natin sa Alpha??" walang emosyong sabi nito kasabay ng pagharap sa anak na ngayon ay kita ang pagtataka sa mukha.

"Kung hindi ikaw, sino ama?? muling tanong nito.

" Wag mong isiping ang walang kabuluhang bagay Loriela, baka nalilimutan mong nalalapit na ang inyong pagtatali? Ngunit nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" 

Sumilay ang di kaaya-ayang ngiti sa labi ng anak. " Nagawa ko ng maayos ama. Nasisiguro kong mamayang gabi ay magbabago ang pagtingin sa akin ng Alpha" nagmamalaking sabi nito.

"Siguradohin mo lamang na maiinom niya ang likidong binigay ni Isidoros. Upang sa gayon ay hindi magbago ang isip niya sa inyong pagiisang dibdib" malademonyong sabi nito.


"Maaasahan mo ako Ama, kailan ba kita binigo? " sabay lapit sa bintana kung saan nakatanaw ang hari.

" Hindi mo ko kailan man binigo mahal kong anak" hinawakan nito ang malambot na kamay ng Princesa. At sabay nilang pinagmasdan ang lupain na nais nilang samsamin. Hindi dahil sa lawak nito kundi sa nakatagong kayamanang sinesekreto ng Alpha maliban sa kanila. Sapagkat batid nila kung saan ito nakatago.

**********
ALPHA EASTON

 Galit niyang tiningnan ang bawat sulok ng kagubatan habang naamoy niya ang dugo ng kanyang nasawing kasamahan. May dalawang kagat ito sa leeg, mga kalmot sa bawat parte ng katawan at ang lasug-lasug nitong anyo ay nakadadagdag sa kanyang pagpupuyos. Batid niyang pinahirapan ito bago paslangin. Napakuyom siya kasabay ng pagtubo ng kanyang mahabang balahibo.

Hindi niya nais ang amoy na pumapasok sa kanyang ilong. Makipot niyang tiningnan muli ang madilim na gubat.

"Alpha sino sa tingin mo ang gumawa nito??" nagtatakang tanong ni Elias.

Hindi siya sumagot dahil isa lamang ang pumapasok sa isip niya sa oras na yon. Ang Hari ng Mc Naught. Napaangil siya, nais kumawala ni Tremor sa kanyang katawan ngunit pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili habang kinokontrol niyang lumabas ng halimaw na nakatago sa kanyang katawan. Alam niyang mas mabangis ito kaysa sa kanyang lobo. Bagay na wala kahit sino mang nakakakita maliban sa kanyang yumaong magulang.

" Linisin niyo ang bangkay at nais kong walang sinomang makaalam nito maliban sa atin. Nais kong tumahimik kayo." malamig na sabi niya.

"Ngunit Alpha, hahayaan nalamang ba nating mangyari ulit ang bagay na ito? baka sa susunod ay madami na ang napaslang sa ating kasamahan habang ang mamayan sa Wood ay walang kaalam alam" matalim na pukol ang binigay niya kay Evan. Kita ang pagatras ng mga kawal sa nakakatakot na tingin nito.

"Sa tingin mo ba'y hahayaan kong mangyari ang bagay na yan?? sa oras na malaman ng lahat ang nangyari'y mahihirapan nating alamin ang kalaban." umaangil na sabi nito.

"Sino Alpha?? Nasisiguro akong may kinalaman ang hari rito" galit na sabi niEvan.

" Hindi tayo nakakasiguro Beta ngunit aalamin ko kung tama ang aking hinala" muli niyang tininingnan ang nakabulagtang bangkay sa harapan. 

" Ikotin niyo ang buong sulok. Hanapin niyo kung may iba pang napaslang ang sanggalang" walang emosyong sabi niya kasabay ng pagtalikod. Ramdam niya ang patuloy ng pagkawala ng kanyang lobo.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon