I. Alpha Easton

8.8K 216 2
                                    

14th Century (Taong 1360's)
"Nayon ng Wood"

********
EASTON

"Alpha Easton. !" tawag ng lalaking kakapasok lang ng kanyang silid aklatan.

"Evan." binaba niya muna ang tinta na hawak at tumingin sa pintuan kung saan ito nakatayo.

Kita niya ang pagkabagabag sa mukha ng kaharap "May nakapasok sa ating hangganan." agad na sabi nito.

"Ilan?" kalmadong tanong niya dito, ni hindi manlang siya makitaan ng takot o pangamba.

"Sabi ng isang hukbo ay nasa tatlo ang tampalasang kanilang nakita ngunit hindi ko pa nakukomperma ang tamang bilang. " magalang na pagkakasabi nito.

Hindi na bago sa kanya ang balitang ito, ngunit isang kahangalan ang ginawa ng mga ito. "Kung gayon ay tumungo ka sa lugar na iyon at kumpermahin kung anong nangyari. Alam mo na ang gagawin." maiksing sabi niya dito.

Tiningnan niya ang lalaking ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan, may tiwala siyang gagawin nito ang kanyang inuutos. Simula ng naging pinuno siya ng kanilang nayon ay ito na ang pumapangalawa sa kanya sa tungkulin, tapat ito sa kanya at napatunayan na nito ang katapatang iyon sa loob ng maraming panahong paglilingkod nito.

 "Masusunod po Alpha." yumuko ito upang magbigay galang, muli ay tinuon niya  ang atensiyon sa kanyang ginagawa.

Rinig niya ang pagsirado ng pintuan at ang yapak nito papalayo sa kanyang silid. Kinuha niya ang panulat at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Nais niyang magpadala ng mensahe sa kabilang kaharian upang sabihin ang kasagutang matagal niya ng pinag-iisipan, ngayon ay buo na ang kanyang desisyon.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos niya rin ang kanyang pagsusulat , agad niyang nirolyo ang balumbon na hawak upang ipadala sa isa sa kanyang kawal.

Alam niyang ito na ang simula upang maisakatuparan niya ang layuning matagal niya ng inaasam.

********
EVAN

Rinig ang ungol at pagaspas ng mga sanga ng halamang tumatama sa katawan ng isang malaki't kayumangging lobo .

Mabilis ang kilos nito papasok sa isang parte ng masukal na gubat. Ilang takbo pa ng huminto ito. Makikita ang unti-unting pagbabago ng anyo nito.

Ang apat na paa'y nagiging dalawa, ang mga kuku nito'y isa-isang lumulubog kasabay ng pagkawala ng mahaba nitong nguso at ang pagpapalit ng mabalahibo nitong balat na ngayon ay nagiging katulad ng balat ng isang tao hanggang sa hindi na lobo ang iyong makikita kundi isang uri ng matikas na nilalang na iyong kahahangaan.

Isang sekretong matagal ng itinatago at kailan ma'y hindi maaring malaman ng isang ordinaryong tao.

Hubo't hubad itong naglakad papalapit sa nakabulagtang katawan ng isang babae na ngayo'y hindi niya matukoy ang totoo nitong mukha dahil nababalot ito ng putik at dugo.

Lumapit ang isang kasama niyang kanina pa naghihintay sa kanyang pagdating.

Agad nitong binigay ang balabal na hawak-hawak . Ibinalot niya ito sa kanyang hubad na katawan.

" Asan na ang ibang tampalasang nakapasok sa ating hangganan?" Kalmadong sabi niya rito.

" Hindi ko na sila naabutan pa ng sila'y tumakas." maliwanag na sabi nito.

" Nakita mo ba ang kanilang mukha?ilan ang kanilang bilang?sapagkat kung hindi ako nagkakamali ay tatlong uri ng bagong amoy ang aking nalalanghap, ang isa'y sa babae at ang dalawa?"

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon