XXVI. Silver Fangs Dynasty

4.3K 128 0
                                    


**********
Alena

Rebecca!" Tawag niya rito agad itong napalingon sa kanya.

" Alena bakit andito ka?" Sabi nito habang pinupunasan ang basang kamay.

" Wala si Evan kung kaya't nakaalis ako ng magisa" nakangiting sabi niya.

Tiningnan siya nito.
" Masaya akong andito ka muli " hindi niya mapigilang yakapin ang kaibigan.

"Ako rin Rebecca" humiwalay siya sa pagkakayakap nito.

" Sa wakas ay wala ng nakabuntot sa iyo Alena" napalingon siya sa pinagmulan ng boses at nakita niya sa pintuan ng kusina sila Lucia at ang dalawa nitong kasama.

Napalunok siya " Masaya akong makita kayong muli Lucia" nagaalangang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

Kita niya ang pagtaas ng kilay ni Olivia.

"Hindi namin kinagagalak ang makita ka muli rito"

Naramdaman niya ang sakit sa sinabi nito. Hinawakan siya ni Rebecca sa kamay.

Hindi niya mapigilang mapayuko.

" Akala mo ba'y hindi namin alam ang iyong pangaakit sa aming pinuno!" Galit na sabi ni Elin.

Muli siyang napatingin sa mga ito.

" Pangaakit?ano ang inyong ibig sabihin?" Naguguluhang sabi niya.

" tssk.. Hindi mo kami malilinlang sa iyong mukha Alena. Ang akala namin ay isa kalang mahinang lingkod ngunit mali kami sapagkat nagawa mong paikotin si Alpha Easton"

Napailing siya habang nakatingin rito.

" Wala akong nililinlang kahit sinoman. Siguroy nagkakamali lang kayo Lucia" sabi niya.

" Sinungaling!" Angil ni Enil.

" Kita ng aming mga mata ang iyong ginagawa! Hindi ka nararapat sa aming pinuno, isa kang mababang uri ng nilalang!" Galit na sabi ni Olivia.

Tela sinaksak siya sa huling sinabi nito. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Totoo ito, isa siyang mababang uri ng nilalang. Isang hamak na alipin.

Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Rebecca sa kanyang braso.

"Wala kayong karapatan upang sabihin iyan kay Alena " pagtatanggol nito sa kanya.

Hinawakan niya ito sa kamay upang wag ng magsalita pa ngunit ayaw nitong makinig.

" Kung titingnan ay naiinggit lang kayo sapagkat siya ang pinili ng pinuno"

" Pinili?tsk. Nahihibang kaba Rebecca, nasisiguro kong awa lang ang dahilan kung bakit nagpapalinlang ang ating Alpha"

Bawat akusa ng mag ito ay mas nagpapalalim ng sakit sa kanyang puso.

Totoo ba ang mga sinasabi ng mga ito? Naaawa lang sa kanya ang lalaki?

May parte sa kanyang hindi naniniwala sa mga sinasabi ng mga ito.

" Hindi ko malaman kong bakit galit kayo sa akin?" Naiiyak na sabi niya. " May ginawa ba akong mali na hindi niyo nagustohan?" May pagtatakang tanong niya .

" walang dahilan upang hindi kami magalit sa iyo Alena sapagkat makita kalang namin ay kumukulo ang aming dugo" nakangising sabi ni Elin.

Napalunok siya ,
" Kung gayon ay humihingi ako ng patawad sa inyo Lucia, hindi ko gustong magkaroon kayo ng poot sa inyong puso"

" Alena! Hindi ikaw ang dapat humingi ng tawad, wala kang kasalanan" sabi ng kaibigan.

" Tama ang kanyang ginawa Rebecca, hindi ba't may pinagagawa pa kami sa iyo?" Galit na sabi ni Lucia . " Baka nais mong ika'y mapaalis sa Mansion"

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon