VII. Pagpupuyos

6.2K 182 7
                                    

**********
Easton

" Alena" biglang pumasok sa kanyang isip ang pangalan nito. Isang napakagandang salitang nais niyang ulit-uliting bigkasin.

Muli ay nanumbalik ang kanyang pagkasabik na hawakan ang mukha nito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili, halos maubos ang kanyang lakas upang wag lang itong gawin.

Hindi pa siya nakakasigurong sa kanya nga ang magandang babaeng kaharap gaya narin ng sinsabi ni Tremor sa kanya. Oo iyon ang pangalan ng lobong nakatago sa kanyang katawan.

Gaya ng pangalan nito ay masyado itong mabangis at kahit sino'y hindi nito kinaawaang kitilin.

Isang uri ng halimaw na tinatago niya sa loob ng maraming taon. 

Muli ay naagaw sa kanyang pansin ang matamis na amoy na nanggaling dito.

Kaba! iyon ang kanyang pagkakaalam sa mabangong amoy na humahalimoyak sa napakaliit nitong katawan.

Halos doble ang laki niya kung ikukumpara sa katawan nito.

Isang maling hawak niya lang dito ay nangangamba siyang baka mabali ang mga buto nito dahil tulad isa itong marupok na paso na kung hindi iingatan ay madaling masisira.

Ngunit kahit taglay man nito ang ganoong laki ay hindi parin nababawasan ang kanyang paghahangad na angkinin ito , ang tikman kung ang tamis na kanyang naamoy ay ganoon din ang lasa ng malalambot nitong bibig.

"Hawakan mo siya Easton!" sigaw ni Tremor sa kanyang isip.

" Hindi mo ba nakikita kung gano siya kaliit kung para sa atin? " sabi niya rito. Rinig niya ang ungot nito sa likod ng kanyang isip.

Alam niya napalaki ng nais nitong hawakan ang babae at ngayon lang nangyari ito.

  " A-anong gagawin mo sakin?" kinakabahang tanong nito  

Muli ay bumalik ang kanyang atensiyon kay Alena. Nakatingin ito sa kanya at hinihintay ang kanyang kasagutan. 

" Wag kang mag-alala at wala akong planong saktan ka" tapat na sabi niya rito. Kita niya kung paano bumalot ang kaginhawaan sa maganda at bilog nitong mukha.

Gaya ng nakita niya kanina ay hindi niya parin pinagsasawaan pagmasdan ang bawat bahagi ng mukha nito.

Ang bilugan nitong mata , ang maliit at may katangusan nitong ilong at ang papupula nitong labi na maihahalintulad niya sa presa.  nais niya itong tikman  ng malaman niya kung ano ang lasa at kung gano kalambot ng mga labi nito.

Muli ay lumabas ang kakaibang ingay sa kanyang lalamunan dala ng pagnanasa sa babaeng ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakadama siya ng ganitong emosyon ,,hindi niya ito mapapatawad kung isa itong manggagaway.

O kung gumagamit ito ng itim na mahika upang siya'y makaramdamam ng ganito.

" Aminin mo na ang totoo Alena at kung sino ang nagturo sa iyo ng mahikang ginagamit mo ngayon" malamig at galit na sabi niya rito.

" Wala akong alam sa sinasabi mo, isa akong tagasilbi ng mansion at malinis ang aking puso para gawin ang bagay na iyong binibintang" kita niya sa mga mata nito kung paano ito nasasaktan sa kanyang paratang.

Nakaramdam siya ng galit sa kanyang sarili. Maging si Tremor man ay ayaw makitang nasasaktan ito.

Nais niyang pahirin ang nararamdaman nito at yakapin ito ng mahigpit, langhapin ang mabango amoy na nanggaling dito hanggang sa mapanatag ang kanyang sarili.

Ngunit hindi ito maari, hanggat hindi niya napapatunayang totoo ang sinasabi nito'y hindi siya maaring magpaloko.

" Alpha! "  napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niya si Rafa na kakapasok lang ng silid.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon