XXXVII. Lobo

3.9K 163 6
                                    

***********
Easton

Maligaya ang pagdiriwang na nagaganap sa Mansion De Lupos. Bawat panauhin sa ibat-ibang ibayo  ay nauusisang makita ang Anak ni Haring Nolan, ang babaeng pinili ng pinuno ng Wood upang maging kabiyak.

Ang maingay napaligid ay biglang tumahimik ng makita ang paparating na bulto ng Hari at ng kasama nito na nakasuot ng eleganting kasuotan at mamahaling palamuti.

Si Easton naman ay walang emosyong naghihintay sa pagbaba ng mga ito.

Gaya ng hinihintay ng lahat, napamangha sila sa ganda ng kasama ni Haring Nolan sapagkat tunay ngang nakakabighani ang mukha nito. Matamis na ngiti ang nakakurba sa perpekto nitong mukha, ngiting alam ni Easton na hindi totoo.

Gaya nito ay nakangiti rin ang haring humarap sa kanya. Inabot niya ang kamay ng Prinsesa bagay na hindi niya nais gawin ngunit kailangan.
Ramdam niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanya kasabay ang mapangakit nitong ngiti.
" Maligayang pagdiriwang sa inyo mga Panauhin. Paumanhin at nahuli kami ng dating ng aking mahal ng anak" masayang sabi ni Haring Nolan.
" Easton baka nais mong ipakilala ang iyong magiging kabiyak?" Tanong nanghari sa kanya.

Nais niyang umangil ngunit pinigilan niya ang sarili. Humarap siya sa mga panauhing ngayon ay naghihintay sa kanyang sasabihin.

" Nais kong ipakilala sa inyo ang aking magiging kabiyak Prinsesa Loreila Mc Naught." malamig na sabi niya, maingat itong yumuko at humarap sa mga bisita na nakangiti.

" Maligayang pagdiriwang." Mahinhing sabi nito. Napagalaw ang gilid ng labi niya batid niyang hindi bukal ang pinapakita nito.

Kita ang pagsangayon ng mga ito sa kanyang sinabi , sa isip ng mga ito ay namumuo ang kasagutan  kung bakit ito ang kanyang pinili.

"Ipagpatuloy ang Pagdiriwang! Maligayang pag-iisang dibdib sa Alpha ng Wood!" Sigaw ng Hari.

" Maligayang pag iisang dibdib!" Sigaw ng nakararami.

Walang emosyon siyang napatingin sa nakangising Hari ng Mc Naught at agad niyang nilipat ang paningin sa anak nito na ngayon ay nakapuloput sa braso sa kanya.

Ramdam niya ang hindi pagsang-ayon ni Tremor sa paglapat ng katawan nito.

Nagpatuloy ang sayawan. Togtugan at ang tawanan sa paligid ang nagbibigay ingay sa paligid.

" Nais mo bang sumayaw Alpha Easton?" Mapang-akit a sabi nito.

Nais niya tumanggi ngunit hindi maari dahil sa matang nakatingin sa kanila simula kanina, kailangan niyang  gawin ang pagpapanggap sa harap ng mga panauhin.

Napatango siya at maingat itong ginaya patungo sa gitna ng malawak na sayawan. Kung saan ay makikitang iniingatan niya ang babaeng hawak bagay na kabaliktaran sa nais niyang mangyari.

Napatingin lahat ng Nilalang sa kanila. Kita niyang nagugustohan ng babae ang atensyong nakukuha.

Ang mga sumasayaw ay biglang tumigil, napaangil siya sapagkat hindi niya nais ang napakadaming matang nakatingin sa kanya bagay na kabaliktaran sa nararamdaman ng kasama.

Agad na tumogtog ang musika. At nagsimula muli ang sayawan.
Ramdam niya ang mas paglapit nito sa kanya na hindi niya sinang ayonan.
" Kung ano man ang iyong iniisip ay hindi ko na gagawin" malamig na sabi niya sapat lamang upang marinig nito.

" Hindi mo ba nagustuhan ang aking kasuotan?"  nasasaktan nitong sabi. Tiningnan niya ang sout nito, ngayon niya lang napansin na tela konti nalang ay lalabas na ang dibdib nito. Ngunit kahit paman napakalaswa ng kasuotan ng babae ay hindi manlang nagdulot ng kahit unting pananasa sa kanyang katawan. Tanging si Alena lamang ang nakakagawa nito , hindi niya tuloy mapigilang isipin ang kabiyak. Ang maramdaman muli ang katawan nito sa kanyang tabi.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon