E P I L O G U E

4.9K 150 14
                                    

********

Makikita ang hindi mapakaling Alpha sa labas ng silid nito. Maririnig ang sumisigaw na boses ng Kabiyak habang pilit na inilalabas ang sanggol sa sinapupunan nito.

Namamawis itong naglalakad ng pakanan-pabalik sa kalawi, paulit
-ulit. Makikita ang pamumutla nito dahil sa kaba at takot sa maaring mangyari sa kanyang Mag-ina.

Samantalang matalim na pukol ang binibigay nito sa Hari ng Nimpolia, kay Evan at Philip na ngayon ay tela nawiwili pang panaoorin siya habang namamawis sa sobrang tensyon sa loob ng silid.

Malakas na tawa ang binigay ng Hari sa kanya pagkatapos nitong inumin ang loob ng kopita.
" Ganyan rin ako ng iniluwa ng Reyna ang aking Anak. Huwag kang magalaala Easton. Tiyak kong maayos lamang ang kalagayan ng iyong mag ina"

Napaangil siya hindi dahil sa galit kundi sa inis niya sa kanyang Lobo na mas nagwawala pa sa kanyang isip.

Napangisi si Evan kasabay ng pagsalin ng Alak sa iniinuman ng Hari.
Habang panatag lamang nananakaupo kasama nito at nakaharap sa kanya sa labas ng pintuan nila ng Kabiyak.
" Ito Easton inumin mo. Batid kong makakatulong sa iyo ang Malakas na inuming iyan. Galing pa iyan sa kabilang kaharian. " sabi nito.

Mabilis niya itong kinuha at walang anumang tinongga. Ramdam niya ang maanghang na lasa  at ang pait nito sa kanyang lalamunan.

" Kaya mo yan Alena, isa pa!" Sigaw ni Veron sa loob ng Silid.

Ayaw siya nitong papasukin sa loob at iyon ang isa pa sa kanyang kinaiinisan.

" Ahhh!" Sigaw ng Kabiyak. Napamura siya . Sari-saring emosyon ang kanyang nararamdaman ngunit mas nangingibabaw ang pagalala sa mga ito.

" Alpha.Huwag kang mabahala. Malakas ang Luna para sa bagay na ito baka mamayang gabi ay maari mo na siyang sipi- "anya ni Philip.

" PHILIP!!" sigaw niya rito. Rinig niya lamang ang malakas na tawa ng tatlo na mas nalilibang pang panoorin siyang  di mapakali.

Maya-maya lang ay napatingin siya sa loob ng pintuan kasabay ng pagtayo ng tatlo.

Maririnig sa loob ng Silid ang napakalakas na iyak ng isang sanggol.

Lumukob ang galak sa kanyang puso. Isang musika sa pandinig niya ang boses nito.

Ang kanyang anak.

Hindi na siya naghintay pang tawagin siya, kanina pa nangangati ang kanyang paa na pumasok sa loob ng pintuan o kaya ay sirain ito.

Pagkabukas niya ay nakikita niya ang pagaalala mukha ng katipan na nakatingin sa ngayon ay karga-kargang anak habang ito ay nakahiga.

" A-anong nangyari?" Nagaalalang tanong niya.

Mahina nitong inaalog ang kanilang anak habang bumubulong upang ito ay patahanin ngunit tela walang epekto dito ang ginagawa.

Nakapinta ang pagkabahala sa kanyang mukha at agad itong nilapitan.
" Shhh.. Naririto ako anak ko." sabi niya rito upang patahanin ngunit mas lumakas pa ang iyak nito.

Napatingin siya kay Rafa.
" Anong nangyayari sa kanya?" Nagaalalang tanong niya rito.

" Ayaw niyang tumahan Easton." naiiyak na sabi ng kanyang kabiyak.

Hinaplos niya ito sa ulo upang huwag mabahala.
" May problema ba?" Nagaalalang tanong ng Hari ng makapasok ito kasama ni Evan at Philip.

" Ayaw niyang tumahan. Ngayon lamang ito nangyari, baka may nararamdaman siyang hindi maganda Alpha" nababahalang sabi ni Rafa. Tiningnan nito ang sanggol ngunit normal ito at walang sugat manlang o ano mang bagay na makapagsasabing masama ang pakiramdam nito.

Maya maya lamang ay lumapit si Evan sa bata. Makikita ang munting kilos nito na tela ba lumalanghap ng Hangin. At sa hindi inaasahan ng lahat na naroroon sa loob ay unti-unti nitong minulat ang mata,  isang napakagandang kulay na kumikintab habang nakatingin sa lalaki.

Agad itong tumahan at nakatingin lamang kay Evan. Ang lalaki naman ay nakaramdam ng paninikip ng sikmura ng ngumiti ito sa kanya.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang daang taon ay muli niyang naramdaman ang tibok ng kanyang puso.

Nagtaka ang lahat sa kinilos ng sanggol. Ngunit alam ni Evan ang dahilan, amoy niya ngayon ang isang napakabangong halimuyak na nanggagaling dito. Nais niya itong lapitan at hawakan ngunit pinipigilan niya ang kanyang sariling gawin iyon.

Napaangil siya . Hindi maari anya sa kanyang sarili. Wala sa isip niyang lumabas ng silid na siyang pinagtaka ng mga kasama.

"Alpha hindi lamang isa ang inyong anak. Naririto ang Unang iniluwa ng Luna" nakangiting sabi ni Rafa.

Hindi siya makapaniwala hindi lamang isa ang kanyang anak kundi dalawa.

Isang lalaking supling na seryosong nakatingin sa kanya. Napangiti siya sapagkat nakikita niya ang sarili niya rito.

Wala na siyang hihilingin pa. Dalawang anghel ang binigay sa kanya ng Dios ng mga Buwan.

Maingat niya itong niyakap at tumabi sa ngayon ay nakangiting kabiyak habang hinahaplos ang pisngi ng isa pa nilang anak.
" Isang napakagandang regalo ang iyong ibinigay sa akin Mahal Ko" anya niya rito.

" Ano ang ating ipapangalan sa kanila Easton?" Naluluhang sabi nito dahil sa sayang nararamdaman. Tulad niya ay nararamamdan niya rin ang pagmamasa ng kanyang mga mata.

" Cayden, tulad ng kahulogan nito ay batid kong magiging isa siyang malakas na pinuno. " malumanay na sabi niya habang tinitingnan ang mukha nito. Binaling niyang muli ang tingin niya sa isa pang sanggol "  at Eleanora ang magdadala ng liwanag sa atin Mi Amor tulad mo kung paano mo binigyan ng liwanag ang buhay ko  tiyak kong ganoon din ang ating anak." nakangiting sabi niya.

Kita niya ang pagtulo ng luha nito kasabay rin ng pagtulo ng luha niya.

" Mamahalin ko kayo habang buhay Mi amor. Ipapangako kong poprotektahan ko kayo ng ating mga anak."

" Mahal din kita Easton. Mahal na mahal kita."

Ngayon ay buo na siya at wala na siyang hihingin pa. Ito ang pinakamagandang pangyayaring hindi niya kalilimotan at ipagpapalit sa kahit ano mang bagay.

******
W A K A S

Hi Guys, Hope you're all doing well!
Thank you for reading my story and I Hope you enjoy every chapters of  " TAL". Please follow my page fo more stories to come. 

Thank you everyone! Sending love to all of you <3 



The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon