**********
AlenaNakaupo siya sa loob ng maliit na harden ni Tata Ismael. Sa loob ng dalawang araw ay tuluyan ng gumaling ang kanyang sugat at naging maayos ang turing nito sa kanya, pakiramdam niya'y nagkaroon siya ng panibagong buhay.
Nilanghap niya ang sariwang hangin sa kanyang paligid at hindi niya mapigilang mapapikit at nam-namnamin ang mga sandaling pananatili niya sa di kalakihang kubo nito.
Hindi man niya lubos isipin pero napamahal na sa kanya ang matanda at ayaw niya itong iwan. Kung siya ang papapiliin ay mas gusto niyang dito nalang siya tumira dahil nararamdaman niya ang kapayapaan sa maliit nitong lupain.
"Sa ngayon ay siya muna ang makakasama mo Alena at pagbalik ko'y dadalhin na kita sa Mansion de Lupus para ibigay sayo ang iyong pansamantalang katungkulan"
Naalala niyang sabi ni Evan at ngayon nga'y ikalawang araw na. At hinihintay niya nalang ang pagdating nito.
Saan at anong klaseng lugar ang tinutukoy nito? isipin niya lang na katulad ito sa dati niyang tirahan ay bumabalik ang kaba at takot sa kanya dib-dib.
Ngunit may tiwala siya sa lalaki. At pinanghahawakan niya ang sinabi nitong ligtas siya sa lugar na ito.
Muli ay tiningnan niya ang mga halamang bulaklak na ngayon ay isa-isa ng nagsisitiklupan. Tanda na maghahating gabi na ngunit wala parin si Evan.
"Alena, halina't pumasok kana sa loob ng kubo upang makakain na tayo" sabi nito.
"Opo Tata" ngumiti siya dito baga'y na hindi niya nagagawa sa loob ng maraming taon.
"Maya-maya lang ay darating na ang susundo sayo kaya kailangan mo ng maghanda" sabi nito ngunit alam niyang may lungkot sa tinig nito.
"P-pwede po bang dito nalang ako" nahihiyang sabi niya dito. Tumingin sa kanya ang matanda at alam niyang ayaw rin nitong umalis siya sa bahay nito.
"Hindi maari ang iyong gusto dahil may sarili kang tungkuling dapat gampanan sa mansion. At mas mabuting doon ka manatili dahil mas ligtas ka sa lugar nayon kaysa dito sa loob ng aking tahanan" malungkot na sabi nito.
"P-pero sino ang magiging kasama mo?" nag-aalalang sabi niya dito.
Ngumiti ito sa kanya "Hija, ilang taon na kong nabuhay ng mag isa kung yan ang pinangangamba mo, ngunit tandaan mo ang sinabi ko noon sayo. Iiwasan mo ang pinuno ng mansion na yon. Ang nakakataas sa lugar na ito. Kung maari ay wag kang magpapakita sa kanya. Naiintindihan mo ba?" seryosong ang mukha nito.
Napatango siya kahit nagtataka siya kung bakit gusto nitong iwasan ang sinasabi nitong pinuno. Dahil hindi pa naman niya ito nakikita at hindi niya alam kung anong klaseng tao ito.
Pero ramdam niyang may kakaiba sa taong sinasabi ni Tata Ismael. At basi narin sa kwento nito'y kinakatakotan at nirerespeto ito ng mga taong nakatira sa nayon. At susundin niya ang sinabi ng matanda dahil alam niyang gusto lang nitong ligtas siya.
"O-po Tata Ismael." magalang na sabi niya.
Pumasok na sila sa loob ng kubo at kumain at tulad ng sinabi nito'y naghanda siya upang sa kanyang pag alis.
Inayos nito ang kanyang dadalhin. Nagpapasalamat siya sa matanda dahil binigyan siya nito ng damit na maisusuot.
Marami pa itong sinabing dapat niya gawin at hindi niya dapat gawin, lahat yun ay tinatak niya sa kanyang isip. Kahit nagtataka man kung bakit masyadong mahigpit ang patakaran sa loob ng mansion basi sinabi nito ay hindi niya nalang tinanong dito.
"Maghanda ka na at malapit na sila" muli ay bumalik ang lungkot sa mukha nito. Hinawakan niya ang kamay nito at ngumiti sa matanda.
"Wag kang magalala, dadalawin kita dito Tata Ismael" nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...