XXIV. Mapang-Akit

4.1K 126 1
                                    

!!!!!!!!!!
Paunawa: isang maselang bahagi ng istorya ang inyong mababasa.  Malawak na pagunawa ang kailangan. For 18+ only. O maaring huwag niyo nalang basahin. Kung hindi naaangkop sa inyong gulang .Salamat.
**********
Easton

Mabilis ang yapak niya papasok ng Mansion patungo sa isang silid na kanina niya pa nais puntahan.

Agad na bumungad sa kanya si Evan sa Labas ng pintuan.

"Alpha Easton" nakayukong bati nito.

"Maari kanang makaalis Evan, salamat sa pagbabantay mo kay Alena"

"Walang anoman Alpha" napalunok ito at umiiwas ng tingin sa kanya.
" Pinapasabi niyang kumatok ka bago ka pumasok sa loob"

Napakunot noo siya sa sinabi nito.
"Gagawin ko"

Tumango ito at tuluyan ng umalis.
Gaya ng sinabi nito ay kumatok siya sa pintuan ng kanyang silid.

"Bigyan mo ko ng ilang minuto" sabi ng isang magandang tinig na kanyang nadinig.

Ilang minuto?hindi ba nito alam na sapat na ang ilang oras na wala ito sa kanyang tabi upang siya'y mabaliw sa pangungulila.

Ang nais niyang gawin ngayon ay wasakin ang matigas na bagay na pumapagitan sa kanilang dalawa.

Ngunit pinilit niyang gawin ang bagay na nais nito, kung ano man ang ginagawa nito sa loob ay walang siyang ideya.

Rinig niya ang yapak patungo sa pintuan.
Pagbugkas nito'y tumambad sa kanya ang isang nilalang na dahilan ng pagkawala ng kanyang hininga sa ilang saglit.

Tiningnan niya ang kabuan nito.
Nakasuot ito ng isang pulang bestida
Isang Kasuotang bumabakat sa hubog ng katawan nito.

Kita niya ang napakagandang umbok ng dibdib nito na ngayon ay nais niyang halikan at pagsawaan.

Ang itim na buhok nito'y nakalugay na mas lalong bumagay sa maganda nitong mukha.

Napalunok siya habang nangingitim ang mata sa pagnanasa.

Ramdam niya ang pagkabuhay ng pangibabang bahagi ng kanyang katawan at paninikip ng kanyang kasuotan.

Dumagdag dito ang matamis na amoy ng lila na nagpapainit sa kanyang nagaapoy na katawan.

"Lord of the moon" aniya.

Amoy niya ang pangangailangan ng katawan nito.

Rining niya ang sigaw ni Tremor na ito'y angkinin.

"Mate!" Sigaw nito.

Hindi na siya nagdalawang isip pang angkinin ang mapupula nitong labi at mabilis na sinirado ang pintuan.

Rinig niya ang pagsinghap nito at pagtugon sa kanyang halik.

"Napakaganda mo Mi amor" may paghangang sabi niya.

Ramdam niyang tela tinatali ang kanyang sikmura sa napakagandang ngiting sumilay sa mukha nito.

Kung maari lamang itong ipinta ngayon ay ginagawa niya na,

"Masaya rin akong muli kang makita"

Napaangat ang gilid kanyang labi,

"Kapag sa iyo'y nagiiba ang kahulugan ng aking sinasabi" naaaliw na sabi niya.

Pinulupot nito ang kamay sa kanyang leeg samantalang ang kamay mahigpit na naka pulupot sa malabot niting bewang.

"At hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang katangiang iyan sa iyo" sabi niya kasabay ng pagangkin muli sa labi nito.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon