*************
AlenaTunay ngang napakaganda ng Talon di kalayoan sa kanila.
Sa taas nito'y nagdudulot ng malakas na bagsak ng tubig. Langhap niya ang sariwa at malamig na hanging dumadampi sa kanya.
Inikot niya ang mata sa buong kapaligiran, di niya aakalaing ang isang tagong lugar ay nagtataglay ng napakagandang tanawin.
Kita niya ang nagkukumpolang bulaklak sa larangan. Mga ibat-ibang uri ng paro parong dumadapo rito, ang napakagandang silak ng araw at ang kulay bughaw na langit ay nagkakadagdag ng ganda nito.
Namamangha siya sa kanyang nakikita." Nagustohan mo ba ang lugar na ito?"
Napalingon siya sa lalaki at malapad na ngiti ang binigay niya rito.
" Napakaganda" tanging nasabi niya.Wala sa isip niya ang tumakbo patungo sa nagliliparang paroparo.
Kung titingnan ay tela mga lumilipad na talulot ang mga ito.
Hindi niya mapigilan ang pagpitas ng bulaklak. Iba't ibang klase ang kulay ang kanyang nakikita.
Napapikit siya at sinamyo ang napakabagong amo'y nito at muling humarap kay Easton na ngayon ay nakangiting nakaharap sa kanya.
Ang mga mata nito'y kumikinang habang nasisilayan ng araw.
Tumakbo siya papalapit rito.
" Hindi ko aakalaing may ganitong uri ng lugar ang nakatago sa Nayon?" Namamanghang sabi niya." Ako lamang ang nakakapunta sa lugar na ito" sabi nito. " At pinangako kong dadalhin ko ang aking kabiyak sakaling makita ko siya rito" sabi nito kasabay ng paghalik sa kanya.
Nalungkot siya sa sinabi nito, kung gayon ay may iba itong hinihintay.
Napasinghap siya ng bigla siya nitong yakapin at hinarap sa mukha nito.
"Mali ang iyong iniisip sapagkat nakita ko na siya Alena." kasabay ng paghalik nito sa kanyang labi.
Napakasaya niya dahil sa sinabi nito.
Sa sobrang pagkamangha niya sa lugar ay hindi nila namamalayan ang oras.Mabuti nalamang at nagbaon sila ng pagkain.
Giniginaw siya dahil sa lamig ng tubig. Ramdam niya ang mainit at hubad na katawang yumakap sa kanyang likuran, dahilan upang lukatay ang kakaibang init sa kanyang katawan.
" Nilalamig ka Mi Amor, Siguro'y kailangan na nating umahon" sabi nito.
Humarap siya rito at pinulupot ang kanyang kamay sa leeg nito.
Kita niya ang nangingitim nitong mga mata. Namula siya ng muling dumako ang mata nito sa nakaumbok niyang dibdib na ngayon ay nakadikit sa malapad nitong katawan.
Napasinghap siya ng maramdaman niya ang matigas na bagay sa pagitan ng kanyang hita.
Napaangil ito at siya nama'y napahalinghing.
" Hindi ko alam ang gagawin sa iyo Alena, pagdating sa iyo'y hindi ko mapigilan ang aking pagnanasang muli kang angkinin." Napapikit siya ng maramdaman ang napakasarap nitong halik.At sa pagkakataong iyon ay muling nagkaisa ang kanilang katawan sa napakagandang lugar.
Patunay ang Langit sa nararamdaman niya rito.
********
EastonNakangiti siya habang hawak hawak ang kamay nito.
" Hindi mo ako kailangang buhatin Easton" natatawang sabi nito." Nais kong buhatin ka patungo sa ating silid, alam kong napagod ka sa ating ginawa" nagaalalang sabi niya.
Kita niya ang pamumula ng mukha nito " Kaya kong maglakad-Easton!" Sigaw nito.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Vârcolaci*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...