********
Alena"Sabihin mo babae ! Sino ka at ano ang iyong pakay sa aking lupain!?" galit na sabi nito.
"Wala akong masamang intensiyon sa lugar na ito ..A-alpha Easton "mahinang bigkas niya sa pangalan nito. kahit ulit-ulitin man nitong itanong sa kanya ay iisa lang ang kanyang magiging kasagutan.
"Wag mo kong linlangin babae! Nasisiguro akong may kung anomang bagay kang nilagay sa iyong katawan upang ako'y iyong litohin!"
Napakunot noo at may pagtataka siyang tumingin rito na ngayon ay alam niyang isang pagkakamali sapagkat kita niya ang poot sa kanina'y kayumanggi nitong mga mata , muling kumirot ang kanyang dibdib at di niya mapigilang mapaluha.Nasan na ang lalaking kanina'y nasa kanyang tabi dahil nasisiguro siyang iba ang taong ngayo'y nasa kanyang harapan.
Kung nakakamatay lamang ang tingin ay nasisiguro siyang kanina pa siya nawalan ng buhay.
Ng walang siyang maisagot ay agad rin itong nasalita.
"Bibigayan kita ng ilang minuto upang sagutin mo ang aking katanongan" malamig at tela isang tabak ang bawat bigkas nito sa mga salita. " Ngunit hindi ko maipapangakong wala akong magagawang masama kapag hindi ka nagsalita"
Bigla siyang nanlamig sa huling sinabi nito. takot ang bumalot sa kanyang katawan ng mapag isip niya ang kakilakilabot na maari nitong gawin ngunit sa kabilang parte ng kanyang pagiisip ay naniniwala siyang hindi nito makakayang gawin ang anomang masamang balak nito laban sa kanya.
" Alpha, maari bang pakalmahin mo ang iyong sarili kung maari ay makakatulong kung lalabas ka ng silid na ito" naniningkit ang mata nitong napatingin kay Rafa.
"TUMAHIMIK KA!" malalim ang boses nito na lalong nagpalamig ng kanyang katawan.
"Hindi ito ang panahon para takotin ang iyong lingkod ngunit kung gusto mong gamutin ko ang babae ay maaring umupo ka sa kanyang tabi o lumbas ka muna ng silid na ito ng sagayon ay mas mabigyan ko ng atensiyon ang kanyang mga sugat" sabi nito.
Napatingin muli ito sa kanyang katawan. di nakaligtas sa kanyang paningin ang pag aalala sa mga mata nito ngunit sandali pa'y bigla rin itong nawala.
" Bakit hindi gumagaling ang sugat niya Rafa?" nagtatakang tanong nito at tapatingin sa kanya na tela isa siyang palaisipan.
Ngunit siya rin ay hindi maintindihan kong ano ang ibig nitong sabihin. Nasa apat o limang araw pa bago maghilom ang sugat niya. imposibleng gumaling ito agad, maliban nalang kung hindi ka isang normal na tao.
" Iyon ang gusto kung malaman pinuno. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito at nasisiguro kong hindi siya nakatira dito sa atin o maging sa kalapit nayon" maliwanag na sabi nito.
Napayuko siya at tinuon ang atensiyon sa kanyang nanginginig na kamay.
Maliwanag pa sa sikat ng araw ang nais sabihin ni Rafa. Nasisiguro siyang iniisip nitong maaring totoo ang sinasabi ng kanyang pinuno.
" Kung gayon ay nais kung malaman kung sino ang nagpadala sa kanya sa loob ng aking tahanan" alam niyang hindi sa kanya ang katanungang iyon ngunit hindi niya napiglan ang sariling sumagot.
"Si Evan ang nagdala sa akin sa iyong Tahanan A-Alpha Easton. At nagtungo ako rito bilang isang tagasilbi, maliban doon ay wala na akong iba pang binabalak gaya ng iyong sinasabi" pagpapaliwang niya rito.
"Kung Gayon Alena. Sabihin mo sakin kung anong uri ng mahika ang iyong nilagay sa iyong katawan?" Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya.
" Dahil hindi ako naniniwalang wala kang ibang ginawa upang mapansin ka ng aking Lobo, kung hindi ako nagkakamali ay isa kang manggagaway"
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Loup-garou*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...