XIX. Muling pagkabuhay

5.7K 184 1
                                    

**********
Easton

Ngayon ay alam niya na ang pakiramdam ng makaroon ng isang itinadhana.

Kapayapaan, saya at pagkabuo.
Isang napakalakas na koneksyon na hindi mawawala hanggang kamatayan.

Unti-unti ay nararamdaman niya ang lahat ng emosyong nanggagaling dito.

Ngunit mas nangingibabaw ang sakit nanararamdaman nito sa oras na iyon. Sakit na nais niyang pawiin.

Ilang segundo pa'y alam niyang sapat na ang kanyang binigay. Kita ang paghilom ng kanyang sugat.

Maingat niyang pinunasan ang dugong kumalat sa bibig nito gamit ng kanyang daliri.

Hindi niya mapigilang haplusin ang malabot at mapupula nitong labi.

Ang matamis na labing kanyang nahalikan.

Wala sa isip na muli niyang inilapat ang kanyang mukha rito , ramdam niya ang bultahing lumapat sa kanyang katawan sa muling magdampi ng kanilang mga labi.

Nalalasahan niya ang matamis at nakakahumaling na lasa ng labi nito, bumilis ang tibok ng kanyang puso, wari niya'y muli siyang nabuhay.

Agad rin siyang humiwalay rito at tiningnan ang maamo nitong mukha.

" Mine" ika niya sa isang uri ng lingguwahi Na ikinagulat ng manggagamot.

" Kung gayon ay siya ang -"

Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito ng siya'y magsalita
" Tama ka Rafa, ngunit ninanais kong ilihim mo ang bagay na ito"

" Ngunit bakit? Siya ang Luna, diba't dapat nating ipagdiwang ito?" Nagtatakang tanong ni Rafa.

Iyon ang nais niya, ang ipagdiwang ang kaarawang ito. Ngunit hindi iyon madali, marami siyang bagay na nais itama bago niya ibunyag si Alena.

" Hindi ko maaring gawin iyan sa ngayon, magtiwala ka sa akin dahil alam mo ang aking ginagawa"
Sabi niya habang maingat na hinahaplos ang pisngi ng kabiyak.

" Kung gayon ay masaya ako sa balitang ito." may galak sa boses nito.

Galak na ngayon ay hindi niya pa masyadong nararamdaman dahil sa pangangamba sa kalagayan nito.

May tiwala siyang hindi ipagkalalat ni Rafa ang balitang nasagap, kita man sa mukha nito ang pagkagulat at galat ay batid niya parin ang pag-aalala nito kay Alena.

" Alpha!Si Alena , anong nangyari sa kanya?" Agad na Sabi ni Evan pagkabukas nito ng pintuan.

Ngayon ay dumilim ang kanyang paningin at agad itong sinugod nakahawak ang kamay niya sa leeg nito habang inilalapat ito sa haligi ng silid.

" Hindi ba't sabi ko'y bantayan mo siya Evan!" Galit na sabi niya rito. Hindi niya mapigilan ang pagpupuyos sa lalaki sapagkat inutusan niya itong bantyan ngunit hindi nito sinunod ang kanyang utos.

" P-patawad Alpha, ginawa ko ang lahat di ko aakalaing ganito ang mangyayari" nahihirapan sabi nito.

Kita kung paano bumaaon ang kanyang kuko sa balat nito habang lumalabas an dugo sa sugat na natatamo.

Nanginginig ang kanyang kamay sa galit habang habang nakakamatay na tingin ang pinupukol niya rito.

Kita niya ang paghihirap nito sa kanyang ginagawa. Ngunit wala na siyang kontrol sa sarili.

Nais niyang ilabas lahat ng emosyong nararamdaman niya at alam niyang sa oras na ito'y baka hindi lamang si Evan ang kaya niyang paslangin.

Bagay na hindi niya nais mangyari.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon