*******
AlenaNamulat siya ng maramdaman niya ang pares ng mga matang nakatingin sa kanya at tulad nga ng kanyang inaasahan ay kita niya ang bulto ng lalaki sa kanyang tabi. Tela isa itong bato na di manlang makitaan ng anumang emosyon.
Agad siyang napabangon habang ramdam niya ang malakas ng tibok ng kanyang puso na nagnanais lumabas sa kanyang dibdib.
Nangangati ang kanyang mga kamay na hawakan ito muli ngunit embis gawin ay kinuyok na lamang niya ang kanyang kamay.
"Mabuti't nagising kana Alena" ramdam niya ang bultaheng lumatay sa kanyang katawan ng banggitin nito ang kanyang pangalan.
" P-patawad ,di ko nais na ako'y maidlip" nahihiya siyang napayuko.
"HUWAG!" sigaw nito ,napaigtad siya at muli siyang napatingin dito.
" A-alpha?" Kinakabahang tanong niya.
"Huwag na huwag mong aalisin ang iyong tingin sa akin" mahinahong sabi nito.
" P-patawad" nahihiyang sabi niya rito.
Ramdam niya ang kakaibang tensyon sa loob ng silid , naiinis mang isipin ang kakaibang nagaganap sa kanyang katawan sa tuwing malapit ito.
"Siguro'y Sasabihin mo na ang lahat Gayong dalawa lang tayo sa loob ng silid na ito" kita niyang ngumisi ito dahil sa sinabi.
Tiningnan nya ang buong silid at bigla siyang nakaramdaman ng pagkailang ng malaman niyang totoong dalawa lang sila sa silid.
***********
EastonSamyo niya ang matamis na amoy na nanggagaling sa babaeng kasama niya sa loob ng silid. Di niya mapigilang ikuyom ang kanyang mga kamay habang pinipigilang mapahinga ng malalim na bagay na nais niyang gawin ngunit alam niyang mas lalo lang makakalala sa kanyang sitwasyon.
Bilang isang Alpha , kailangan niyang mag isip ng tama ng sa gayon ay makuha niya ang impormasyong nais. Niya makuha rito, ngunit sa tuwing malapit ito'y ang tamang bagay lamang na kanyang naiisip ay ang halikan ang mapupula niting labi at ibaon ang kanyang mukha sa pagitan ng balikat nito.
O kaya'y yakapin ito at wag ng pakawalan pa .
Napailing siya at pilit na inalis ang lahat ng iyon sa kanyang utak.
" Wala akong maisasagot sa iyo Alpha maliban sa sagot ko kanina" mahina ngunit rinig niya parin ang sagot nito.
"Sinungaling!" Galit na sabi niya, kita niya ang takot sa mga mata nito at di niya mapigilang magalit sa sarili ngunit dibat dapat siyang mamuhi dito kung sakaling totoo mang gumagamit ito ng kakaibang mahika laban sa kanya.
"T-totoo ang aking sinasabi." naluluhang sabi nito.
Napatikim bagang siya ng makita ang pagpatak ng luha nito. Isa siyang pinuno ngunit parang lahat ng lakas niya'y nawawala dahil sa babaeng ito, isang bagay na kanyang kinakatakutan.
"Kung gayon ay totoo bang ang Beta ang nagdala sayo sa aking lupain?" kita niya ang pagtaas baba ng mukha nito.
Gusto niya itong paniwalaan ngunit kung totoo man ang sinasabi nito bakit wala siyang impormasyong natanggap galing dito.
"Hindi ako naniniwala babae" malamig na sabi nito.
" Ngunit iyon ang totoo" nanginginig na sabi nito.
Di niya mapigilang mapamura. Di niya na kayang mapanggap. Dahil ang gusto niyang gawin sa ngayon ay alisin ang takot sa mga mata nito.
Tela isang kidlat ang bilis ng paglapit niya rito dahilan upang ito'y mapahigang muli.
Habang siya naman ay nasa itaas nito at ang kanyang dalawalang kamay ay nakatukod sa magkabilang balikat nito.
Habang ang mga palad naman nito ay nakalapat sa kanyang dibdib.
Ilang sintemyetro lamang ang layo ng kanilang mga mukha, kita niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang pagbukas ng mapupula nitong labi na nayayaya na ito'y halikan upang kumpermahin kung totoo ngabang malambot ang labi nito gaya ng kanyang inaasahan.
Langhap niya ang matamis at nakahuhumaling nitong bango, kagaya ng mga bagong bukadkad na bulaklak sa kagubatan na di niya pagsasawaang samyoin.
Hindi niya magawang alisin ang kanyang mga atensyon sa kulay berde nitong mata na kung di pagtutuonan ng pansin ay aakalaing mong natural na itim lamang ito at walang anumang kakaiba dito. Wala sa isip niyang pinusan ang luhang tumulo rito.
Hindi niya mapigilang mapahanga, habang ramdam niya ang paninikip ng pangbaba niyang kasuotan dahilan sa pagnanasa niyang tikman ang bawat parte ng katawan nito.
Ngunit naiisip niyang ito'y isang pagkakamali. Pagkakamali nga ba? Pero bakit iba ang sinasabi ng katawan niya ngayon.
" Ano itong ginawa mo sa akin Alena?" mahina at paos na sabi niya rito habang wala sa isip niyang hinaplos ang malabot nitong pisngi.
Kita niya ang pagsinghap at panginginig ng katawan nito na alam niyang hindi dahil sa takot kundi dahil tulad niya'y ramdam din nito ang koneksyon sa pagitan nila.
Koneksyon na ngayon niya lang naramdaman sa loob ng maraming taon. At hindi niya maipaliwng kung saan at ano ang dahilan.
Kita niya ang pagpikit ng mga mata nito, nagpapahiwatig na nais rin nitong matikman ang kanyang mga labi.
Di niya na napigilan pa ang sarili na unti-unting ilapat ang kanyang labi sa labi nito.
Tulad ng isang pagsabog, ramdam niya ang kakaibang pakiramdam. Isang bultaheng kumalat dito patungo sa kanya.
Na tela baga'y nililipad siya ng hangin at tanging silang dalawa lamang ang naroroon at siya lamang ang tanging nilalang na mas mahala sa oras na iyon.
Mas lalo pang lumalim ang kanyang halik ngayo'y napatunayang niya kung gano kalambot at tamis ng labi nito.
Rinig ang bahagyang huni sa kanyang lalamunan.Parang muli ay nagkaroon siya ng buhay, ng kakaibang lakas at Pagasa.
Nais niyang angkinin ang nilalang na ito ngayon rin.
Na bagay na kinatakot niya.
" ATIN SIYA EASTON!" ang sigaw ng halimaw sa loob ng kanyang katawan.
Na nakahandang proteksyonan ang pag aari nito sa kahit sino man.Bigla siyang bumalik sa katotohanan ng bumukas ang pintuan ng silid.
Hindi!! Galit na sigaw niya sa sarili dahil muli ay nalinlang nanaman siya ng mahika nito.
*******
Arahm
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...