VI. Akin Siya!

6.3K 197 6
                                    

***********
Alena

Muli ay nararamdaman niya  ang kakaibang bultahi sa kanyang katawan.

Tiningnan niya ang mukha nito.  hindi niya mapigilang mapahanga, hindi niya alam kung paanong nangyaring nagkaroon ito ng perpektong mukha.

Ngunit ang bagay na nakaagaw ng kanyang pansin ay ang mga mata nito. Na tulad ng isang lupa sa kulay kayumanggi at isang bituwin na kumikintab habang ito'y nasisilayan ng araw.

May paghanga niya itong pinagmasdan , hindi niya napansin ilang dipa nalang ang  pagitan nila sa isat-isa.

Ngayon ay kita niya ang pagkunot ng noo At ang pagtigas ng bagang nito.

" Hindi mo ba naisip na delikado ang iyong ginawang paglapit sa lugar na ito?" galit na sabi nito.

Napalunok siya sa kabang nararamdaman.

alam niyang hinihintay nito ang kanyang sasabihin " P-patawad p-pero hindi ko alam na pinagbabawal ang pagpunta dito"

Nais niya sanang sabihin na napagutusan lang siya ngunit ayaw niyang mapasama pa si Lucia.

" Ano ang iyong pangalan at bakit ka nandito sa mansion?" galit na sabi nito.

Hindi na siya nakasagot pa dahil sa takot na nararamdaman niya, kung kanina ay may paghanga siyang naramdaman ngayon ay napalitan na ito ng takot.

Hindi ba nito alam na isa siyang lingkod sa mansion?

" Alpha!" tawag ng isang pamilyar na tinig .

" Evan! Sino ang babaeng ito? At sino ang nagpapasok sa kanya sa loob ng aking tahanan?" galit na sabi nito.

Napalunok siya ng makita niyang namutla si Evan. Kung gayon ay hindi nga nito alam na ninilbihan siya dito.

" Patawad po Alpha, isa siyang lingkod ng mansion. Siya ang bagong tagapagsilbi ,ang katulong ni Lucia" mahinahong sabi nito.

Inabot ni Evan ang kamay upang tulongan siyang makatayo. Napayuko siyang inabot ito at nagpasalamat.

Muli ay tiningnan niya ang kaharap na ngayon ay masamang nakatingin sa kamay Niya at ni Evan.

Agad niyang inalis ang pagkakahawak sa lalaki. Kita niyang kumalma ito ng makita ang kanyang ginawa.

" Kung gayon ay papalampasin ko ang ginawa mo babae at sa susunod ay huwag kang lalapit sa mga kawal ko lalo na kung sila'y nagsasanay dahil kung nagkataong hindi ako dumating ay malamang ay wala ka ng buhay"

Namutla siya sa sinabi nito.

" Alpha, patawad po. Sa sususnod ay pagsasabihan ko siya" paumanhin ni Evan.

" Ano ang iyong pangalan?" malamig na sabi nito

"A-alena" mahinang sabi niya.

" Alena" may bumalot sa kanyang katawan ng banggitin nito ang kanyang pangalan, isang napakagandang sensasyon na ngayon niya lang naramdaman.

Muli ay naramdaman niya ang kamay ni Evan sa kanyang balikat , rinig niya ang kakaibang tunog na ng gagaling sa Kaharap na lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay maihahantulad sa aso ang tunog na iyon. Angil? Ang nasa isip niya.

Hindi ito nakatinginn sa kanya kundi sa kamay ni Evan na ngayon ay mahigpit na nakalagay sa kanyang balikat.

Kita niya ang pagkuyom ng kamay at ang ang tensyon ng kalamnan sa braso nito.

" Ako na ang bahala sa kanya Alpha Easton, may sugat siya at kailangan gamutin"magalang na sabi ni Evan.

Tiningnan niya ang kanyang bewang , kita niya ang dugo na namantsa sa kanyang suot na damit.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon