XLIII. KAAWAY

3.2K 122 8
                                    

********
MANSION DE LUPOS

" Nagustohan mo ba ang aking inihanda Alpha?" Mapangakit na ngiti ang sumilay sa labi ng Prinsesa habang tinitingnan ang reaksyon ng Kanyang kasama. Ngunit gaya ng dati ay wala siyang makitang emosyon sa mukha nito.

Walang imik nitong sinimulang tikman ang pagkaing nasa harapan. Na siya namang sinabayan ng Prinsesa.

" Hindi na ako makapaghintay sa ating pagtatali Alpha Easton. Ipapangako ko sayong magiging isa akong mabuting Luna. Ngunit napansin ko lamang ang maraming kailangang bagohin sa mansiong ito" walang pasubaling sabi ng Prinsesa.

Matalim na tinging pinukol nito sa Prinsesa dahilan upang mapalunok sa takot ang kaharap.

" A-ang nais kong sabihin ay masyadong napakaluma ng dekorasyon sa loob ng iyong tahanan. Hindi mo ba napapansin ang aming kaharian. Nais kong palitan ng bagong kagamitan at dekorasyon ang mansion kung pahihintulotan mo" sabi nito.

" Hindi ko inaakalang mapapansin mo ang bagay na iyan Prinsesa Loreila " Sabi ng Alpha, kita ang pagsilay ng ngiti sa labi ng Prinsesa sa sinabi nito.

Nakaramdam ito ngpagmamalaki sa sarili ngunit agad ding nawala sa sunod niyang narinig.
" Ngunit wala akong planong palitan ang kahit isa man sa kagamitan sa loob ng aking tahanan"

Napahigpit ang hawak nito sa kubyertos at pilit na ngiting binigay sa kaharap.
" Kung gayon siguro nama'y papayagan mo akong kumuha pa ng ilang alipi- Lingkod sa loob ng iyong tahanan. Nais ko lamang na huwag mabigatan ang iyong mga tauhan sa mga gawain dito Alpha" nagmamakaawang sabi nito.

Ngayon nga'y sinuri ng Alpha kung ang Prinsesa nga ba ang kanyang kasama.

" Iyan ba ang iyong nais?" Hindi niya alam kong anong nagpabago sa ugali nito ngunit inaamin niyang nagulat siyang makita ang ganitong parte ng katauhan ng anak ng Hari.

" Kung papayag ka. " sabi nito.

Katahimikan ang nanaig sa loob ng silid bago muling magsalita ang Alpha.

" Kung gayon ay pagbibigyan ko ang iyong nais gawin. "

Sumilay ang malapad na ngiti sa labi ng Prinsesa.
" Maraming salamat, bukas rin ay sisimulan ko na ang paghahanap " nakangiti paring sabi nito na hindi niya matukoy kung totoo.

" Sa tingin ko'y masyado ng malalim ang gabi Prinsesa. Kailangan mo ng bumalik sa iyong silid " sabi niya kasabay ng pagtayo.

" Ngunit hindi mo pa natitikman ang ilan sa aking inihanda?" Nalulungkot na sabi nito.

" Wala akong ganang kumain." Maikling sagot niya.

" Kung gayon ay uminom ka manlang kahit konti" pagaanyaya nito.

Makipot ang tingin niya sa Prinsesa habang inaabot ang kopitang hawak.

" Pakiusap hindi ka magsisi kung matitikman mo ang espesyal na alak na galing sa aming kaharian. " mahinahong sabi nito.
Tiningnan niya lamang ang kupita. Amo'y niya nga ang tamis na nangagaling dito. Kahit si Tremor man ay nasasabik tikman ang sinasabi nitong inumin. Ngunit hindi siya nakakasiguro kung may kakaibang laman ito.

" Kung iniisip mong may lason iyan ay sana'y kanina kapa nawalan ng buhay Alpha. Sinisiguro kong wala akong masamang intensyon sa iyo"
Sabi nito na tela nababasa ang kanyang iniisip.

Muli ay tiningnan niya ang kopitang iniaabot nito.
Walang pasubali niya itong kinuha at tinikman ang likidong nasa loob nito.

Nalasahan niya agad ang tamis ng alak at ang init na hatid nito sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang sikmura.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon