XLVI. Katotohanang nalimot

3.8K 119 7
                                    

****
Alena

Napakapamilyar sa kanya ng lugar na kanyang nakikita habang nakatayo sa harap ng napakagandang tahanan.

Asan na nga ba siya? ang tanong niya sa kanyang sarili.

Tiningnan niya ang kabuoan ng paligid, nagliliwanag na halaman, kakaibang uri ng ibon na nagliliparan. Hindi dalawa ang pakpak ng mga ito kundi apat na may ibat ibang kulay. Ang mga puno ay hindi ordinaryong puno lamang dahil nakikita niya ang pamumukadkad ng nagliliwanag na bulaklak nito na nagbibigay buhay sa paligid.

Namangha siya ng makita ang pagbagsak ng isa sa bulaklak nito dahil hindi niya aakalain ang kanyang sunod na makikita. Naging isa itong Diyamante, ngayon nga'y napansin niya ang nakapalibot dito ay naglalakihan at nagkikintabang bato na di niya aakalain kung totoo.

Nananaginip ba siya? Ang tanong niya muli sa sarili.

Muli ay napadako ang kanyang paningin sa loob ng tahanan.
Wala sa isip niya ang unti-unting paghakbang papasok sa loob nito.

Ramdam niya ang pananabik na makapasok dito at makitang muli sila.

Napakunot noo siya, may nais siyang makita ngunit di niya maalala kung sino.

Gayon paman ay hindi niya napigilan ang paguusisang makita ang loob nito.

Ngunit bago paman niya mahawakan ang malaking pintuan na gawa sa ginto ay bigla itong bumukas.

Niluwal nito ang napakagandang loob ng tahanan.

Yari sa ibat-ibang uri ng mamahaling bato ang materyales na makikita roon.

" Kamahalan mabuti't narito na kayo. Kanina pa kayo hinahanap ng Reyna" sabi ng isang magandang dilag na kanyang kaharap.

" Kamahalan?" Nagtatakang sabi niya.

Napailing ito. " Kamahalan siguro'y nagpunta kananaman sa lugar na iyon?" Sabi nito ng pabulong.

Mas lalong lumalim ang pagkunot ng noo niya. Ano ang nais nitong ipahiwatig.

Bago paman siya makapagsalita ay agad siya nitong hinatak papasok at maingat na sinirado ang pintuan.

Hindi niya alam kung san siya nito dadalhin . Pasikot-sikot sila sa loob ng magandang Mansion.

Hanggang sa huminto sila sa tapat ng pintuan kumikinang.

Napanganga siya sa kakaibang lugar na ito.

Mas lalong lumuwa ang kanyang mata ng pumasok sila sa loob ng silid.

Silid nga ba? Dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganitong kalaki at kagarbong silid.

Tulad ng pintuan ay kumikinang rin ang loob nito na yari sa rubi at diyamante.

Napalunok siya at muling humarap sa babaeng nakapamewang at nakataas ang noong nakatingin sa kanya.

" Sino ka?" Ngayon ay naglakas loob siyang tanongin ito.

Tiningnan siya nito na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo.

" Kamahalan ? Kumain kanaman ba ng peras sa lugar na iyon?" Di makapaniwalang sabi nito.

Muli ay sinabi nito ang lugar ngunit di niya alam kung anong lugar ang tinutukoy nito.

Napailing ito. " huwag mo ng sagotin sapagkat alam ko na. Hindi ko alam ang sasabihin ng Reyna sa oras na malaman niya kung san ka nanggaling. Ngunit tulad ng dati, sasabihin kong wala akong alam" sabi nito.

Napakunot siya. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito.
" Asan ako?" Tanong niya muli dito.

Napabuntong hininga ito at umiling.
" Hintayin mo mamaya'y maalala mo rin. Ilang sandali lang ay matatanggal din ang epekto ng pagkain ng tao sa iyo" sabi nito.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon