**********
AlenaUnti-Unti niyang iminulat ang kanyang mga mata upang makita ang may ari ng mga kamay na mahigpit na nakapulot sa kanyang bewang.
Isang hindi pamilyar na lalaki ang kanyang nakita na ngayon ay nakatingin rin sa kanya.
Napasinghap siya at di mapigilan ang pag awang ng kanyang mga labi ng pumasok sa kanyang isip kung gano nalamang kalapit ang pagitan ng kanilang mga mukha, isang pagkakamali lamang ay maaring maglapat ang kanilang labi.
Wala sa isip niyang napatayo ng maayos kasabay ng patulak sa lalaki na halos hindi maalis ang kakaibang tingin sa kanya.
"S-Salamat" mahinang sabi niya rito na ngayon ay malagkit na tingin ang pinupukol sa kanya.
Nakaramdam siya ng pakailang sa mga titig nito.
"Walang anoman, hindi ko aakalaing makakatagpo ako ng isang napakagandang dilag sa lugar na ito" may pang akit nitong sabi.
Ngunit imbes na makaramdam ng saya at paghanga sa mabulaklak nitong bibig ay kakaiba ang kanyang nadama, nais niyang umalis sa harap nito ngayon din at wag ng magpakita pa rito.
" Maari ko bang malaman kung ano ang iyong pangalan?" Tanong nito.
Nais niya sanang hindi sagutin ngunit ayaw niyang malaman nito kung gaano nalamang niya kinaaayawan ang presensya nito." A- Alena" pilit na sagot niya rito.
" Alena" bigkas nito sa kanyang pangalan na tela ba'y masususi nitong pinapakinggan ang tunog ng kanyang pangalan.
" Kay gandang pangalan naaayon sa isang kagaya mo" nakangising sabi nito.
Ngayon ay mas napag aralan niya ang mukha nito. Tulad ni Easton ay nararamdaman niya ang kakaibang enerhiya na nagmumula rito.
Kulay itim at hindi gaanong kulot ang buhok nito. May matangos itong ilong,makapal na labi at matang hindi niya nais tingnan sapagkat makikita ang kakaibang nais nito sa oras nayon.
Nakasuot ito ng isang mamahalin at makulay na kasuotan, mga palamuting nakapulupit sa leeg pati narin sa braso nito.
Kung makikita sa kabuoan ng pisikal nitong anyo ay hindi makakailang magandang lalaki ito.
" Salamat n-ngunit kailangan ko ng umalis" nagmamadaling sabi niya rito.
wala pa sa isang iglap ay nakahawak na ito sa kanyang kamay.
Nanlaki ang kanyang mata dahil sa bilis ng kilos nito. Lumukob ang kaba sa kanyang katawan ngunit pinipigilan niyang ipakita sa kaharap.
Asan na ba ang kanyang mga kasama?
Tumingin siya sa kanyang paligid,Pansin niyang nakatingin lahat sa kanila ng lalaking ngayon ay mahigpit na nakahawak sa kanyang pulso.
Bagay na mas lalo niyang kinatakutan.Inikot niya pa ang kanyang paningin, sa wakas ay nahanap niya rin ang mga ito.
Ang mga mata ng mga ito'y nanlalaking nakatingin sa kanyang kaharap.Batid niyang dahil iyon sa takot.
Hindi niya maiwasang muling kapagawi ang kanyang paningin sa di pamilyar nitong mukha at naglakas na loob na magsalita.
" mawalang galang na ngunit Sino ka Ginoo?" Kinakabahang tanong niya.
Rinig niya ang pagsinghap ng kanyang kasama.
Tumaas ang gilid ng labi nito
" Nasisiguro akong bago ka sa lugar na ito upang hindi mo ako makilala"Rinig niya ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito. Walang lumabas sa kanyang bibig tela may kung anong matigas na bagay na nakabara sa kanyang lalamunan.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...