LIII. Nakatagong katauhan

3.7K 117 13
                                    


***********
EASTON


Ang halimaw sa kanyang katawan ay unti-unting gumising habang nalalanghap niya ang takot ng kaniyang kabiyak sa isang Bampirang hindi malayo sa kanilang kinaroroonan.

Malakas na angil ang lumalabas sa kanyang lalamunan. Hindi niya hahayaang masaktan ito kasama ang supling sa loob ng sinapupunan ng kabiyak.

Nagaalala siya sa kalagayan nito ,ngayon ay pinagsisihan niyang isinama niya ito sa lugar , kung alam niya lamang na mangyayari ang pagsugod na nagaganap sa oras na iyon ay hindi niya na planong isama ito at iharap sa McNaught, maging sa mamayan ng Woodngunit huli na.

ang tanging kailangang gawin nalamanag ay protektahan ito at paslangin ang McNaught pati narin ang bampirang nasa kanilang harapan. Kung sino man ito ay nasisiguro niyang taglay nito ang kakaibang uri ng lakas. 

" Nimpa tama nga ang impormasyong hinatid sa akin. Naririto ka sa lupain ng Wood at ..." Napapikit ito habang inamoy ang hangin sa palibot nito kasabay ng muling pagtingin sa deriksyon nila  " hindi ko aakalaing pinahintulotan mo ang Alpha ng wood na maging iyong kabiyak" nakangising sabi nito.

Lumabas ang kanyang matatalim na pangil sa sinabi nito na hindi niya nagustohan.

Wala itong karapatan galawin man kahit hibla ng buhok ni Alena. Hindi nita pahihintulotang makalapit ang sinoman rito, maging si Tremor man ay hindi sumasang ayon sa hindi kaaya-ayang tingin nito sa kanilang kabiyak.

" Kung nais mong mabuhay pa ang Alpha ay Sumama ka samin ngayon din. Pinapangako kong wala ng buhay na masasawi sa oras na ito" sabi nito.

Mas lalo niyang inilapit ang katawan sa kanyang kabiyak. Ramdam niya ang tensyon nito at ang mahigpit na yakap nito sa kanyang lobo.

Hindi niya nagugustohan ang takot na lumulukob rito.
" Mi amor" tawag niya rito , nagbabakasakali siyang maririnig siya nito tulad ng kanyang mga kauri.

Napatingin ito sa kanya.
Kita niya sa mata nito ang emosyong lumulukob sa kanya kanina pa.

Pagaalala..

Matalim na pukol ang binigay niya kay Venom. Na nagdulot ng pagngisi ng lalaki.

" Hindi ako papayag sa Nais mo. " malamig na sabi ni Alena.

Nagustohan niya ang lumabas sa bibig nito. Kahit pa pumayag ito ay hindi niya hahayaang sumama ito sa bampirang nais niyang patayin sa oras na iyon.

Kita niya ang biglang pagpara ng ngiti sa labi ng lalaki .

" Kung gayon ay nais kong makita mo kung papaano ko kikitilin ang Alpha sa iyong harapan gaya ng ginawa ko sa iyong mga magulang. Hindi ba't napakasayang tingnan ang makitang nawawalan ng buhay ang iyong pinakamamahal" malademonyong ngiti ang sumilay sa labi nito.

Ramdam niya ang paghigpit ng yakap ng kabiyak sa kanyang katawan. Hindi niya nagugustohan ang tensyon at kabang dumadaloy sa koneksyong namamagitan sa kanila na siyang nanggaling dito.

Isa lang ang nais niya , ang paslangin ang nilalang na nagdulot ng takot rito.

Hindi na siya nagdalawang isip pang sugurin ito, kita niya ang ngising hindi nabubura sa labi ng lalaki.

"Hindi!" sigaw ng isang tinig mula sa kanyang likuran. Napaangil siya ng maramdaman ang pakaparalesado ng kanyang katawan.

" Sa tingin mo ba ay mabilis mo akong mapapaslang Alpha??" nakangisi paring sabi ng lalaki.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon