XL. Pagbabago

3.9K 132 7
                                    

**********

ALENA

Buong araw niyang hinintay si Easton ngunit hindi niya ito nakita.

Nangangamba siya na baka may nangyaring masama sa kabiyak.

Hindi niya napansin nanakatulog siya sa paghihintay sa lalaki. Paggising niya sa umaga'y inaakala niyang nasa tabi na niya ito ngunit nagkamali siya sapagkat ang nasa kanyang kanan at mahimbing na natutulog ay Si Aston.

Ngayon nga'y mas kinabahan siya sapagkat ngayon lamang ito nangyari.

Pagbangon niya ay muli nanaman niyang naramdaman ang pangangasim ng kanyang sikmura.

Agad siyang tumakbo papasok sa maliit na lababo at nilabas ang lahat ng laman ng kanyang sikmura.

Napangiti siya ng mapait ng makita ang paglapit ni Aston sa kanya.

Nahihilo siyang muling lumapit sa higaan at humiga, di niya napansin ang muli niyang pag idlip.

  ******* 

 Kaharian ng Feelinial

" Maaari niyo na siyang pakawalan." Utos ng Hari habang nakatingin sa nanghihinang anak. Malamig na ngiti ang sumilay sa mukha nito habang pinagmamasadan ang kanyang nakakaawang anak. Ngunit bagkus makaramdam ng lambot ng puso ay kasiyahan pa ang bumalot sa maitim na puso ng ama.

" Masusunod kamahalan" sabi ng mg kawal kasabay ng pagkalas ng mahiwagang kadenang nakapalibot sa kamay at paa nito.

" Siguro naman ay alam mo na ang iyong gagawin mahal kong anak?" walang emosyong sabi ng ama.

Kita ang malamig na matang tumingin sa hari, pares  na bughaw matang walang kahit isa mang emosyon, lumiliwanag ito habang hindi inaalis ang atensyon sa hari.

"Maliwanag ang iyong sinabi aking Hari" mahinang sabi nito dala narin ng panghihina ng katawan. " maasahan mong madadala ko dito ang nakatakda sa propesiya bago sumilay ang buwan sa dilim ng langit" 

Napangisi ang ama sa kasagutan nito " Magaling Katrina" sabay lapit nito sa anak at hinaplos ang taas ng ulo nito na tela isa itong tuta. " Ang akala ko'y tuloyan mo ng nilimot kung ano ang nagdala sa iyo sa nayon ng Wood" 

Tahimik lamang ito na nakatingin sa ama habang hawak-hawak parin ng dalawang kawal sa magkabilaan nitong kamay. 

" Kung gayon ay pahihintulutan ulit kitang gamitin ang katawan ng isang alipin ng Wood upang patuloy na magpanggap bilang Karina" napangisi ito " Mga hangal na Wood, hindi nila alam na  nasa tabi na nila ang Liong lalapa sa kanila" dumagundong ang lakas ng tawa ng hari. Ngunit ito'y nagdala ng kakilakilabot na dagundong sa kapaligiran sapagkat hindi kaaya ayang pakinggan ang tawa nito.

" Masusunod po aking ama" walang emosyong sabi nito.

" Alam mo na ng mangyayari sa oras na hindi mo binigay ang aking hinihiling" biglang nawala ang ngiti sa labi ng hari kasabay ng matalim na pukol sa anak. Na siya namang ginantihan ng malamig ng tingin ni Katrina, napangisi ang ama nito , alam ng hari ang kahinaan ng kaisa-isang anak at sa pagkakatong ito'y hawak niya ang alas.

*******
EVAN

" Alpha nasisiguro kabang totoo ang kanyang sinasabi?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaking nasa harap na ngayon ay tela malalim ang iniisip.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon