***********
EastonPagkadating niya sa lugar ay amoy niya agad ang naghalong dugo ng kanyang mga kasama at ang dugo ng mga tampalasang napatay ng mga ito.
Ang buong lugar ay napakagulo, maraming patay na nakabulagta sinyales ng labanang naganap rito .
Napaangil siya, alam niya na makikita niya ito. Sapagkat hindi niya inaasahan ang pagsalakay ng mga sanggalang. Isang uri ng taong lobo na katulad nila ngunit itinakwil ng lipunan dahil sa hindi nito pagsunod sa batas at ang makasarili nitong pagnanasa.
Rinig ang angil na nagmumula sa kanya. Habang matalas ang kanyang pakiramdam sa kahit anomang bagay na gumagalaw.
Dahil sa dugong nangingibabaw sa kanyang pang amoy ay halos nahihirapan ang kanyang lobo na tukuyin ang babaeng kanyang pakay.
Pinapangako niyang papatayin niya ng walang awa ang magtatangka sa buhay nito.
Nagpupuyos siya sa galit. Nagkamali ang mga ito ng desisyon sapagkat parang tinapos narin namang ito ang kanilang buhay simula ng tumungtong ang mga ito sa kanyang lupain.
Ngayon nga'y handa si Tremor na magbuhos ng dugo, papaslangin nito ang sinomang humarang sa kanila.
Biglang gumalaw ang kanyang tenga ng marinig niya ang tunog ng lobong paparating.
Kasabay ng paglabas ng kanyang matalim na pangil.
Hindi niya na hinintay pang makalapit ito sa kanya sapagkat sinalubong niya na ito at mabilis na sinakmal sa leeg.
Nagpupuyos niyang binaon ang kanyang pangil hanggang sa marinig niya ang iyak na nanggagaling sa kalaban at ang paghaginit ng buto sa leeg nito.
Hanggang sa tuloyan itong mawalan ng hininga. Nalalasahan niya ang metal sa kanyang bibig.
Muli ay dumating pa ang dalawa.
Napaungol siya ng malakas.
Sabay itong sumugod ngunit sa lakas at bilis niya'y naiwasan niya ang dalawa.
Inuna niyang dambaan ang tampalasang nasa kanyang kaliwa,
Umaangil siyang binaon ng napakalakas ang kanyang pangil sa katawan nito at itinalapon ito ng malakas hanggang sa tumama ito sa puno.Umatake agad ang kasama nito at galit niyang binaling ang kanyang atensiyon rito.
Tulad ng isa'y sinakmal niya rin ito sa leeg. Kita niya ang takot sa mata nito na tela nangungusap na ito'y buhayin.
Napangisi siya kasabay ng pagkagat ng laman at ang pagbali ng leeg nito.
Kita niyang naghihinang bumabangon ang lobong kanyang itinilapon.
Unti-unti niya itong nilapitan habang nag aapoy ang kanyang mata na nakatingin rito.
"Sino ang nag utos sa inyo na sumugod sa aking lupain?" Mahina ngunit makapangyarihan ang bawat katagang sinambit niya sa kalaban.
"Akala mo ba'y sasabihin ko sa iyo Easton." Walang galang na sabi nito.
" Wala akong panahon upang pilitin kang magsalita, ngunit kong mahal mo pa ang iyong buhay ay alam mo na ang iyong gagawin" umaangil na sabi niya.
"Hangal ka Easton dahil kahit ano paman ang gawin mo ay wala akong sasabihin." nakalabas ang pangil na sabi nito.
Tunay ngang isa itong Sanggalang sapagkat wala itong takot na mamatay man.
" Kung gayon ay wala ng dahilan pa upang ika'y buhayin" sabi niya kasabay ng pagsakmal rito.
Napasigaw ito sa sakit habang hinay- hinay niyang binabaon ang kanyang pangil samantala ang kanyang mga kuko ay nakabaon sa katawan nito.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...