************
IVANA
Huli na siya.. iyon ang pumasok sa kanyang isip ng makita niya ang nakabulagtang katawan ng mga kawal ng palasyo sa kanyang harapan. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot, galit at kaba. Halong halong emosyong ngayon niya lamang naramdaman.
Rinig niya ang bawat angil, ang hiyaw ng mga kawal ng Silver Fangs at Nimpolia, ang buong paligid ay napapalibotan ng dugo.
Nanginginig ang kanyang paa. Hindi niya alam kung saan siya tutungo tela may sarili itong isip, mabilis ang kilos niya patungo sa isang silid. Silid ng kanyang magulang.. ngunit bago pa siya makalapit ay may malakas na kamay na humatak sa kanya patungo sa tagong parte ng palasyo.
Tiningnan niya kung sino ito.
"P-Prinsesa" naluluhang sabi nito kasabay ng mahigpit na yakap sa kanya. "Akala ko'y napaslang kanarin " ramdam niya ang pagtulo ng luha nito.
Agad niya itong iniharap sa kanya. " Veron nasaan na ang aking ina?" nagaalalang sabi niya. Nakita niya ang pamumutla ng mukha nito.
"P-patawad kamahalan ngunit huling habilin nila sa akin bago kami magkahiwalay ay hanapin ka at itakas sa lugar na ito" naiiyak na sabi ni Veron.
"Hahanapin ko sila" wala sa isip na sabi niya at mabilis na tinalikuran si Veron. Ngunit mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay.
"Prinsesa hindi ka maaring magpakita sa kanila mawawalang saysay ang lahat ng ito sa oras na makita ka ng Pinuno ng Dynastiya" agad na sabi nito habang namumulta parin.
" Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sabi niya.
Naiiyak itong tumingin sa kanya at unti-unting napayoko.
"Prinsesa patawad at hindi ko sinabi sa iyo ang lahat, narinig ko ang pinagusapan ng Hari bago ang kanilang pagbisita sa kabilang kaharian. Binabalak kang kunin ng Hari ng Silver Fangs at gawing ikapitong pallakída " hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Balak siyang gawing asawa ng hari ng silver fangs bagay na alam niyang hindi sinasang ayonan ng magulang. Ngayon ay naiintindihan niya na ang lahat kung bakit gayon nalamang ang paghihigpit ng magulang sa kanyang paglabas.
" Ano ang kailangan nila sa akin Veron?" nagugulohang tanong niya rito.
Napalunok ito at nagdadalawang isip kong sasabihin sa kanya ang bagay na nalaman ngunit sa huli ay binuksan din nito ang bibig upang magsalita.
" Narinig ko ang sinabi ng iyong Ina tungkol sa itinakdang araw na paglabas ng iyong kapangyarihan. Hindi ko nadinig lahat ng kanilang pinag usapan ngunit isa lang ang manlinaw sa lahat. Ikaw ang nakatakda sa propesiya, ang iyong kapangyarihan ay magdadala ng lakas sa kaharian. Bago maganap iyon ay kailangang dumaan sa isang pagtatali,"Nanlamig siya sa sinabi nito. Wala siyang kaalam alam sa impormasyong galing sa kaibigan. Ang tanging naalala niya lang ay ang salita ng Ina sa tuwing silang dalawa lang ang makasama.
"Nais kong pillin mo ang iyong makakasama sa hinaharap Alena. Mararamdaman mo rin sa oras na makita mo ang nilalang na itinakda sa iyo. Sa panahon na iyon ay magdudulot ka ng pagasa sa lahi ng dalawang panig"
" Ngunit ina hindi ko maintindihan ang iyong nais ipahiwatig. Nais kong manatili lamang dito sa palasyo kasama mo at ng Ama" sabi niya rito.
Ngumiti ito isang bagay na gusto niyang makita araw-araw, napakaganda ng kanyang ina at nais niyang paglaki niya ay maging tulad siya nito.
" Ivana natitiyak kong magbabago ang lahat sa oras na dumating ang araw na iyon"
Sana ay naintindihan niya ang tinutukoy ng ina. Napakuyom siya, kung sana ay may nagawa siya bago mangyari ang pagsugod na ito.
"Hahanapin ko sila Veron" seryosong sabi niya.
"Ngunit Prinsesa kailangan nating makaalis sa lugar na i- PRINSESA IVANA!" sigaw nito dahil di na siya nagpaligoy ligoy pa at mabilis na nagtungo sa silid ng magulang. Ngunit wala siyang nakita roon.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Hombres Lobo*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...