X. Masaklap na Katotohanan

5.8K 177 2
                                    

**********
Alena

Napatingin siya sa deriksyon ng lumang pintuan. Ramdam niya ang higpit ng pagkakahawak ng Alpha sa kanyang mga braso.

Ang nangyari kanina'y tela isang panaginip. Hindi mawala sa isip niya ang pagdampi ng labi nito sa kanya.

Namumula siyang muling tumingin sa mga mata nito.

Tulad kanina'y kulay itim parin ang mata ni Easton ngunit unti unti itong nawawalan ng emosyon.

Wala na ang tingkad sa sulok ng bawat mata nito at wala narin ang pagnanasang kanyang nakita kanina lang.

"Ngayon ay natitiyak ko na ang iyong pakay at napamangha mo ako babae sapagkat tunay ngang mapanukso ang iyong mga labi" sumilay ang masamang ngiti sa perpekto nitong mukha dahilan upang siya'y manigas sa kanyang pagkakahiga.

Hindi niya aakalaing walang epekto dito ang ginawa. Hindi niya mapigilan ang paglaganap ng sakit sa kanyang puso.

" Alpha" nabaling ang kanyang atensiyon sa pintuan kung saan naroon ang isang pamilyar na bulto. Tela baga'y sinabuyan siya ng malamig na tubig ng malaman kung sino ito.

" Evan" malamig na sabi nito,ang lubos niyang pinagtataka ay kung bakit at papaano itong nakaalis sa kanyang harapan ng di niya manlang napapansin o nararamdaman.

" Ako ba'y iyong pinatawag?" magalang na sabi nito.

" Nais kung malaman kung totoo ang sinasabi ng babae" walang emosyong sabi nito kay Evan.

kita niya ang tensyon sa katawan ng lalaki bago ito tuluyang lumingon sa kanya.

" Ang alin sa mga sinabi niya ang nais mong kumpermahin?" sabi nito habang nakatingin parin sa kanya.

" Papaanong nakapasok ang isang nilalang sa aking tirahan ng wala ang aking pahintulot Evan" galit na sabi nito.

" Paumanhin at hindi ko nasabi agad ang bagay na ito"yumuko ito sa kaharap.

" Hindi mo ba alam na ang babaeng na iyong dinala ay gumagamit ng itim na mahika. Isa siyang mangagaway"

" manggagaway?itim na mahika?ano ang iyong ipinapahiwatig pinuno?" nagtatakang tanong ni Evan.

" Tama ka sa iyong nadinig , hindi man niya aminin ngunit alam kong nais niya akong tuksuin" malamig na sabi nito,

Napangsinghap siya sa akosasyong kanyang naririnig mula sa bibig nito. Bat ba mahirap itong paniwalaing wala siyang anomang balak laban dito dahil maging siya man ay naguguluhan kung bakit ganun nalamang ang koneksyong nararamdaman niya sa lalaki.

" Paumanhin pinuno ngunit kung mahika ang iyong sinasabi'y walang kakayanang gawin yan si Alena at nasisiguro kung hindi siya mangagaway" magalang na sabi nito at alam niyang pinagtatangol siya nito laban sa hari .

" Papaano mo nasisiguro kung gayong ngayon ko lamang siya nakita rito sa aking kaharian" dumagundong angt boses nito sa loob ng silid at ramdam niya ang pananayo ng kanyang balahibo dahil rito.

Ilang minuto po pa ang lumipas bago ito magsalita.

" Alpha nasisiguro ako sapagkat walang kakayanan ang isang tao gawin ang mga bagay na sinasabi mo " nakatingin ito sa mga mata ni Easton at tela may ibig sabihin ang sinabi nito.

Hindi niya matukoy kung ano ang ibig sabihin nito ngunit kita niya ang pagkagulat sa mukha ng Alpha.

*********
Easton

Halos hindi rumihestro sa kanyang isip ang sinabi ni Evan. At ngayon ay alam niya na kung anong uri ng nilalang ang babae sapagkat pansin niya ang kakaibang amoy nito.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon