XXIII. Bagong Kaibigan

5.4K 160 0
                                    

***********
Easton

"Alpha! Tela ata maganda ang iyong gising" sabi ni Elias habang iniiwasan ang kanyang atake.

" Hindi ko kailangan pang sabihin sa iyo kung bakit?" Malakas na suntok ang binigay niya na agad rin nitong naiwasan.

Umikot ito at agad na tinaas ang kanang paa upang siya'y sipain, tumama ito sa kanyang hita ngunit sa bilis niya'y nahawakan niya ito agad at agad itong tinumba.

" Siguro'y dahil ito kay Alena? Ang balita ko'y magaling na siya" nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha nito.

Tama ito, simula paggising niya'y kaygaan ng kanyang pakiramdam. Bagay na kapanipanibago. Isa lang ang may dahilan, ang babaeng nasa loob ng kanyang tahanan.

Iniisip niya kung ano ang ginagawa nito ngayon, hindi siya makapaghintay pang bumalik agad ng mansion upang muli itong makita kahit si Tremor man ay ayaw malayo rito.

Ngunit hindi siya maaring manatili sa tabi nito buong araw kung maraming bagay siyang dapat gawin bilang pinuno ng nayon.

Una na rito ang kaligtasan ng lahat
at ang pagpaplano niya sa pagdating ng anak ng hari sa ikalimang araw.

"Ligtas siya sa aking tahanan, inutosan ko si Evan na bantayan siya at wag alisin ang paningin rito"

Ng umalis siya'y agad niyang tinawag si Evan upang muli itong bantayan.
Ayaw niyang maulit muli ang nangyari, mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan nito.

Pinagpag nito ang duming dumikit sa katawan at muling tumingin sa kanya, hindi parin naaalis rito ang nakakalokong ngiti na nais niyang burahin.

"Masaya ako at nakita mo na siya Alpha Easton, hindi ko man tanongin ay nalalanghap ko ang kanyang amoy sa iyong katawan" kumintab ang mata nito.

Binigyan niya ito ng matalim ng tingin. At pinunasan ang pawis sa kanyang katawan.

Rinig niya ang mahinang tawa nito.
Ngunit wala siyang panahon upang ito'y pansinin.

"Alam niya naba ang tungkol iyong pagpapakasal sa anak ng Hari?"

Hindi niya pa nasasabi ito o mas nararapat sabihing wala siyang planong sabihin iyon.

Hanggat maaari ay nais niyang ilihim rito ang kanyang plano.

Hindi niya pahihintulutang mabahiran ng dilim ang maliwanag nitong mundo.

"Kung gayon ay hindi mo pa nasasabi" anya nito ng hindi siya sumagot.
"Papaano kung malaman niya ito Alpha? Sigurado akong masasaktan siya lalo na't malakas ang koneksyong namamagitan sa inyong dalawa"

Napatingin siya dito ng masama
" Hindi ko hahayaang malaman niya"

Napailing ito "Hindi ka nasisiguro sa maaring mangyari Alpha Easton lalo na kay Alena sa oras na malaman niya."

Hindi niya na ito pinansin pa, naglakad siya papalayo rito habang iniisip ang huli nitong sinabi.

Siguro'y tama ito. Kailangan niyang sabihin ang kanyang gagawin.

Ngunit kailangan niya ng tamang panahon para sabihin ito at hindi iyon ngayon.

***********
Alena

Nakatingin siya sa malayo habang pinag-iisipan ang impormasyong nalaman niya kay Easton.

Sa mga sinabi nito'y alam niyang malayo ang pagkakaiba ng mga naninirahan sa nayon kumpara sa mga nilalang na kumopkop sa kanya.

Ngunit hindi parin maalis sa isip niya ang pangamba, alam niyang maaring maulit ang nangyari.

Ligtas man siya ngayon ay natitiyak niyang mauulit muli ang nangyari. May hinala siyang ang tinutikoy ni Simon at ang tinutukoy ng umalipib sa kanya ay iisa.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon