XLVII. IVANA

3.9K 111 11
                                    

*****
Madilim ang kanyang paligid, hinahanap niya kung saan napadako ang kanyang magulang. Kung papaano siya nakarating sa lugar na ito." Ivana" rinig niyang tawag ng kanyang ina. Matagal na panahon rin simula ng marinig niya ang pangalan nato at hindi niya aakalaing malilimutan niya. Muli ay bumabalik sa kanya ang alaala ng nakaraan , nakaraang matagal niyang nalimot. Sa pagkakataong iyon Hinayaan niya lamang ang sariling kainin nito.

IVANA

Napangiti siya ng makita ang naglalakihang bunga ng Peras sa isang malaking puno.
Wala sa isip niyang napadila sa kanyang mapupulang labi habang takam na takam siyang kunin ang prutas na yaon.

Ngunit hindi iyon ang una niyang pakay sa lugar kundi ang makita ang kakaibang pamumuhay ng mga tao.

Malaking ngiti ang kumurba sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang mga ito.

Di niya napigilang matawa ng makita niya ang isang lalaking kinokupit ang kalakal na nakalagay sa sisidlan.

Napailing siya, sa isang tingin palang ay alam niya na kung bakit nagawa nitong magnakaw.

Sa murang edad nito ay nagawa na nitong pumuslit ng pagkain kahit pa alam nito ang maaring mangyari sakaling madakip ito.

Tahimik lamang siyang nakaupo sa sanga ng puno. Habang patuloy paring pinagmamasdan ang buong lugar.

Lugar kung saan naninirahan ang ordinaryong tao.
Hindi siya masisisi ng kanyang magulang sapagkat sadyang nakakaaliw lamang panoorin ng mga nilalang na ito.

Pinagpapagalan nila ang bawat pagkaing kanilang isusubo hindi gaya sa kanilang kaharian na sagana sa yaman.

Muli ay napadako ang kanyang mata sa batang lalaki na ngayon ay papalayo.

Ngunit bago paman ito tuloyang makaalis ay napansin na ito ng isang may katandaang lalaki. Basi sa kanyang obserbasyon ay ito ang may ari ng kalakal.

Napasinghap siya ng makita niya ang paghawak nito ng mahigpit sa braso ng bata habang pilit na kinukuha ang ninakaw nito.

Nangangatog namang binigay ng batang lalaki ang pagkain. Ngunit imbes pakawalan na ay malakas na sampal sa mukha ang nakuha nito.

Napakuyom siya sa kanyang nakita, marami na siyang nasaksihan na ganitong uri ng tao.

Ngunit di niya parin magawang pabayaan nalamang ang nangyayari.

Alam niyang hindi siya nito nakikita kung kaya'y gaya ng kanyang madalas na ginagawa ay ginamit niya ang kapangyarihang magpanggap bilang isang normal na tao.

Agad siyang lumapit rito upang tulongan ang kaawa-awang batang lalaki na ngayon ay umiiyak.

" Paumanhin Ginoo ngunit hindi ako sang-ayon sa iyong ginawa. Nais kong humingi ka ng tawad sa kanya ngayon rin" maawtoridad na sabi niya rito habang taas noong nakatingin sa galit na lalaki.

" Sino ka upang pakialaman ang aking gagawin? Hindi mo ba alam na ang batang iyan ay nagnakaw ng aking kalakal!" Gakit na sabi nito.

" Hindi parin iyon sapat upang saktan mo siya Ginoo" Nakataas ang kilay niyang sabi dito.

" Hah! Umalis ka riyan kung ayaw mong pati ikaw ay saktan ko" galit na sabi nito.

"humingi ka ng tawad ngayon din" maawtoridad na sabi niya habang nagmamatigas paring tumingin dito.

Ngunit imbes na gawin nito ang kanyang iniutos ay akma siya nitong hahawakan.

Bago paman dumapo ang kamay nito ay agad niyang napigilan.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon