XVII. Huli na nga ba?

5.5K 186 3
                                    

***********
Easton

Sa likod ng pagiisip nito'y ramdam niya kung gano ang galit nito sa lobong umaatake kay Alena at pagkataranta nitong baka huli na ang lahat.

Dahil sa koneksiyon nila'y alam niyang sa oras na ito'y walang puwang ang awa sa balak nitong pagkitil sa isang nilalang kung saan nakatuon ang buo nitong atensiyon.

Umaangil ito habang papalapit sa walang kamalaymalay na kalaban.

Agad nitong dinambaan ang tampalasan upang mapatalsik ito.

Napaungol si Tremor ng maamoy ang dugo na nanggagaling sa babae.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdam sa kauna unahang pagkakataon ay ipinaubaya niya kay Tremor ang lahat.

Alam niyang nag nanais itong malasahan ang dugo ng kalaban.

" Easton" ani ng isang pamilyar na tinig.

Gaya ng inaasahan niya'y lumabas din ang totoo nitong kulay.

Noong una palang ay alam niya ng may kakaiba sa lalaki at ngayon nga'y tama siya ng hinala sapagkat isa itong traydor sa angkan.

" Simon" ang pagbanggit niya sa pangalan nito ay may halong pagkamuhi at pagkadiri.

Alam niyang nakapinta sa mukha nito ang nakakalokong ngiti.

Umaangil si Tremor habang pinoprotektahan si Alena laban dito.

Kita niya kung paano ito napatingin sa babae na di niya nagugustohan sapagkat wala itong karapang galawin ni hibla man ng buhok nito.

Muli ay rinig ang nakakatakot na tunog nagmumula kay Tremor.

Nabaling ang tingin nito sa kanya.

" Hindi ko aakalaing poprotektahan mo ang isang ordinaryong tao Alpha" sabi nito ngunit ang pagbigkas nito ng huling salita ay may halong pang-iinis

Hindi niya nagustohan ang sinabi nito dahil hindi ordinaryog tao si Alena para sa kanya sa oras na ito dahil ngayon,ang babae ang tanging pinakamahalaga sa lahat.

" At hindi ko rin aakalaing magagawa mong ipagkanulo ang iyong angkan baga'y na hindi ko ipinagtataka sapagkat batid ko ang iyong masamang pakay simula ng taggapin kita sa aking nayon" malamig na sabi niya rito. Kung nakakapatay lang ang tingin ay matagal na itong nakalibing.

Hinay hinay itong naglakad upang siya'y paikotan.

Hindi niya tinatanggal ang tingin niya rito.

Alam niyang tumaas ang gilid ng labi ni Simon sa kanyang sinabi.

" Napabilib mo ako Easton, hindi ko aakalaing malalaman mo. Ngunit tela ata nahuli ka?" Mapanuksong sabi nito sabay tingin sa babaeng nakahiga sa kanyang tabi.

Alam niyang buhay pa ito pagkat rinig niya pa ang tibik ng puso nito na nagpapakalma sa kanya. Kailangang magamot ito ngayon din ngunit kakailanganin niya munang tapusin si Simon.

Masamang tingin ang pinukol ni Tremor sa kalaban kasabay ng paglabas ng pangil nito.

" Wala kang karapatan upang hawakan ni hibla man ng kanyang buhok Simon" umaangil na sabi niya " Tama ka huli na nga upang ika'y tumakas sapagkat sa pagkakataong ito'y hindi ko na bibigyan ng pagkakataong mabuhay ka pa Simon" nakakatakot na boses ang lumabas sa kanya.

" Sa tingin mo ba'y aalis ako ng hindi ko nakukuha ang aking pakay?" Muli itong tukingin kay Alena at sa kanya "nagkakamali ka Alpha Easton ." angil nito.

" Kung magtatagumpay ka" galit na sabi niya.

" pagkatapos kitang paslangin ay mapapasakin ang iyong lupain at makukuha ko ang babaeng iyan. Siguradong lalakas ang aking kapangyarihan bilang bagong pinuno ng wood." nakangising sabi nito na tela nag dedeliryo sa mga nais nitong mangyari.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon