********
Easton"Masaya akong makita kang muli Alpha Easton" bungad sa kanya ni Ronan ng makapasok siya sa loob ng silid ng pagpupulong.
"Gayon din ako Ronan" walang emosyong sabi niya kasabay ng pag-upo sa natitirang bakanteng upuan sa harap nito.
" Wala ka paring pinagbago Easton kasalungat ng iyong lupain. Hindi ko maikakailang sa loob ng tatlong taong hindi ko pagbisita dito'y pansin ko ang maraming pagbabago " sabi nito sabat taas ng kupitang hawak at ininom ang laman nito habang hindi parin tinatanggal ang tingin sa kanya.
" Mabuti at napansin mo, ngunit hindi iyon ang magiging punto ng usaping ito kundi ang iyong pagbisita ng hindi ko inaasahan" malamig na sabi niya sa kaharap.
"Paumanhin at tela nabigla kang makita ako rito" sabi nito.
" Ano ang dahilan ng iyong pagbisita Ronan?" Hindi na siya nagpaligoy ligoy pang tanongin ito.
Wala siyang panahon upang kausapin ito ng matagalan sapagkat ito ang huling taong nanaisin niyang makita.
Tama ito , tatlong taon rin simula ng makita niya ito. At sa loob ng nakalipas na taong iyon ay marami siyang nabalitaan tungkol rito.
Ang Nayon nito'y unti unti ng nawawasak sapagkat gaya ni Haring Nolan ay ganid ito sa kapangyarihan.
Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang matinong pag iisip na ito'y pagkatiwalaan.
Alam niyang hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito.
Ngunit gayon paman ay pinilit niyang kumalma at hintayin ang lalabas sa bibig nito.
" Nais kitang tulongan upang mapasayo ang kaharian ng Mc Naught"
Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.
Kinilatis niya ang mukha nito upang sa gayon ay malaman kung totoo nga ang sinasabi nito. Ngunit Wala siyang makita ng bahid ng paglilinlang sa mga mata nito." Tama ba ang aking nadinig?"
" Hindi ka nagkakamali, andito ako upang maisakatuparan ang iyong mithiin " pansin niya ang pataas ng gilid ng labi nito.
" Hindi ko kinakailangan ng tulong ng kahitnino Ronan" sabi niya rito. Rinig ang pagdagundong ng kanyang malaki at baretinong boses sa loob ng silid.
" Natitiyak kong kailangan mo Easton"
Sabi nito sabay tungga ng laman ng kupitang hawak." At pano mo natitiyak?" Walang ganang tanong niya rito.
" Dahil gaya mo'y alam kong alam mo na hindi madaling makuha ang lupain ni Haring Nolan" maliwanag na sabi nito.
" May kapanalig siyang hanggang ngayon ay hindi kilala ng kahit sino, sa tingin mo ba'y ang isang normal at mahinang tao ay may kakayahang labanan ang tulad natin?"
Hindi siya sumagot dahil naiintindihan niya ang sinasabi nito.
" Hindi, ngunit alam kong alam mo na hindi si Haring Nolan ang may hawak ng Kaharian kundi ang nilalang na humahawak sa kanyang leeg " malamig na sabi nito.
" At ano ang nais mong sabihin?" Sabi niya rito.
" Ang nais kong sabihin ay kailangan mo ng kakampi, sapagkat kahit anong lakas ng iyong kapangyarihan ay hindi parin nito maikukumapara sa lakas na taglay ng mga nilalang na nasa likod ni Haring Nolan"
Alam niya ang bagay na ito sa simula pa. At tama ito, hindi lamang si Haring Nolan ang kailangan niyang patayin sa oras na mangyari ang kanyang binabalak.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Manusia Serigala*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...