XXXV. Pagdiriwang

3.8K 132 0
                                    

********
Alena

"Alpha Easton handa na ang lahat ng kawal." sabi ni Elias.

Napatango siya. " Kung gayon ay maghanda kayo sapagkat darating ang iba pang Panauhin galing sa kabilang ibayo. Talasan niyo ang inyong mga mata. Bawat Kakiabang inyong makikita ay agad niyong ipaalam sa akin. " sabi niya sa mga kawal na tinawag niya sa Lihim na pagpupulong.

" Masusunod" sabi ng mga ito.

" Inaasahan ko ang inyong pagiingat".

Nangmakaalis na ang lahat ay agad na lumapit sa kanya si Philip.

" Alpha gaya ng inyong sinabi ay wala akong nakitang katulad ng simbolo sa isa man sa kawal ng Mcnaught" sabi ni Philip.

Napakuyom siya, alam niyang mahirap alamin an sekretong hindi nais ibunyag.

" Salamat Delta, Nasisiguro akong Nasa Hari makikita ang Simbolo na ating hinahanap" malamig na sabi  niya rito.

" Ano ang ating gagawin upang malaman kung totoo nga ang iyong hinala?" Sabi ni Philip.

Tumingin siya dito, lumukob ang katahimikan sa Buong Paligid na agad niya ring binasag.
" Magpapatawag ako ng isang mang-aaliw. Ngunit kinakailangan ko ang isang mapagkakatiwalaan" malamig na sabi niya.

******

" Remedes Tingnan mo!" Masayang sabi niya habang tinuturo ang maliit na hayop sa Kulongan. Isa itong Tuta.
" Napakaganda at tiyak kong napasarap hawakan"

" Walang maganda sa nilalang na iyan Alena" tela nandidiring sabi nito.

Napanguso siya tiyak niyang napakagada ng Hayop na iyon at nais niyang angkinin.
" Sa tingin mo ba'y ikinakalakal ito?" Kumikinang na sabi niya.

Nanlaki ang mata nito "wag mong sabihing binabalak mo na alagaan ang hayop na iyan Alena?"

Napatango siya. Kita niya ang maamo nitong mukha na nakatingin sa kanya, nakababa ang mga tenga nito na tela nangungusap na ito'y kanyang Kunin.

" Nais kong Bilhin ang magandang nilalang na ito." Sabi niya na nakatingin parin  rito.

Rinig niya ang angil ng Katabi.
" Hindi mo maaring bilhin iyan. Natitiyak akong may may-ari ang hayop na iyan Alena. Tingnan mo ang tali sa kanyang Leeg?Tayo na at baka hinahanap na tayo nila Evan" nagmamadaling sabi nito.

Hindi na siya nakasagot pa at hinatak na siya nito paalis sa maliit na nilalang na tela nagmamakaawang sagipin ito.

Mabigat ang loob niyang sumunod sa kasama. Nasa bayan sila ngayon upang mamili ng kakailangan sa Kusina. Sapagkat walang mapag-uutosan ay nag-aya siyang sila nalamang ang mamili.

Sa una ay ayaw ni Evan sapagkat ito ang pinag-uutos ni Easton ngunit mapilit siya kung kaya't napApayag niya ang mga itong umalis.

Muli ay tiningnan niya ang maliit na nilalang na ngayon ay hatak-hatak ng isang Lalaki.

Umiiyak ito at kita niyang nasasaktan ito sa ginagawa ng lalaki.

Wala sa isip niya at mabilis niyang inalis ang kamay kay Remedes. Patakbo siyang lumapit sa lalaki na ngayon ay sinasaktan ang maliit na hayop.

" Tama na!" Sigaw niya ngunit hindi ito nakikinig. " Pakiusap Tama na!" Galit na sabi niya.

Hindi niya alam kung ano ang sunod na nangyari sapagkat namalayan niya nalamang na hawak hawak niya na ang nakakatakot na tuta at ang nakahigang lalaki na ngayon ay masamang nakatingin sa kanya.

Napalunok siya at mahigpit na hinawakan ang maliit nilalang  upang ito'y protektahan.

" Sino ka!?" Umaangil na sabi nito
" ibigay mo sa akin ang maduming halimaw na iyan! Kung ayaw mong ika'y mamatay" Matalim na tingin pinukol nito sa kanya.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon