XIV. Panganib

5.1K 180 1
                                    

*********
Alena

"Karina! Remedes! Umalis na kayo rito ngayon din, isama niyo si Alena!" sigaw ni Evan.

Ang kabayong kanilang sinakyan ay umiiyak at nagwawala
Tela pati ito'y nakaramdam rin sa panganib.

Hanggang sa tuloyan na nga itong tumakbo upang makalayo.

Ngunit hindi niya na naririnig ang sinasabi ni Evan sapagkat nakatuon ang kanyang tingin sa lobong ilang metro nalang ang lapit sa kanila.

Hindi na siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

" Alena Tara na!" Sabi ni Remedes.

Hinawakan nito ang kanyang braso at akmang hahatakin siya paaalis sa lugar.

Ngunit tela napako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan.

Kita niya ang isa pang itim na lobong papalapit.

Tulad ng isa'y balot rin ito ng dugo sa katawan.

" Umalis na kayo ngayon rin!" Sigaw ni Evan sa kanyang tabi.

Rinig niya ang kakaibang tinig nito.
Tinig ng isang hayop. At paghaginit ng buto nito.

Di niya namalayan na ang kanyang paningin ay nabaling rito.

Na ngayon ay alam niyang isang pagkakamali.

Kita niya isang imaheng alam niyang tatatak hanggang sa kanyang pagtulog.

Wala na ang Evan na kanyang nakilala sapagkat ang pamilyar nitong mukha ay ang nagkakaroon ng balahibo.
Ang mga ngipin at nguso nito'y unti-unting tumutulis.

Rinig niya ang tunog na nanggaling sa lalamunan nito. Tunog na kawangis ng isang mabangis na hayop.

Matalim ang tinging pinupukol nito sa papalapit na itim na lobo.

Rinig niya ang ungol na nagmumula dito at ang paglabas ng matatalim nitong pangil.

Nanlamig siya sa kanyang nasasaksihan. Ang panginginig ng kanyang katawan ay hindi niya mapigilan.

Sapagkat kanina lamang ay normal na tao lang ang kanyang kasama ngunit sa isang iglap lamang ay naging isa itong halimaw.

Halimaw kagaya ng mga umalipin sa kanya.

" A-anong nangyayari?" Tulalang sabi niya. Sa wakas ay may boses na lumabas sa kanyang bibig.

" Tayo na!" Wala sa isip niya na hawak hawak na siya ni Remedes papaalis kay Evan.

Lutang ang kanyang isip sa mga nagaganap.

Hindi niya na alam ang nangyayari sapagkat lumukob na ang kakaibang takot sa kanyang puso.

Takot na maulit muli ang pangyayari sa kanya sa mga nagdaang taon.

Nanginginig siya habang mabilis na inihahakbang ang paa upang makasunod sa mga ito.

Rinig niya mula sa kanyang likuran ang malalakas at nakakatakot na tunog na nanggagaling kay Evan at sa dalawang lubo.

Wala siyang pakialam kung saan ang mga ito tutungo basta ang mahalaga'y makaalis at makalayo siya sa lugar na ito.

Sumisikip ang kanyang dibdib dahil sa bigat ng kanyang paghinga.

" Remedes may sumusunod sa atin!" Sigaw ni Karina.

" Ilayo mo si Alena! Magtago kayo!" Sabi nito.

" Ngunit papaano ka? Hindi ka namin maaring iwan!" Nanginginig na sabi ni Karina.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon