Nanlaki ang mata ni Maxine nang marinig n'ya ang umaalingawngaw na putok ng baril. Tumingin s'ya sa kanyang paligid para hanapin kung sino ang natamaan n'yon. Tuloy pa rin s'ya sa pagtakbo kahit bawat hakbang niya'y pabagal na ng pa-bagal habang patungo s'ya sa harap ng pintong magiging susi sa kanyang buhay..
"Tara, mamasyal tayo Kuya. Nauurat na ako dito sa bahay." wika ni Maxine sa kapatid n'yang si Marc.
"Pagod na ako, Maxine. Next time nalang." tugon nito sa kanya, ngunit hindi nagpapigil ang batang babae, pinilit pa rin n'ya ang kanyang Kuya na mamasyal.
Matapos ang ilang minuto'y lumabas na sa bahay ang magkapatid at nagtungo sa mall upang magliwaliw.
"Kuya, gusto ko nun." turo ng batang babae sa isang mamahaling laruan.
"Maxine, how many times do I have to tell you that you should avoid buying unnecessary things?" pangangaral ni Marc sa kapatid, dahilan para tumakbo ang batang babae palayo sa kanyang kapatid.
Hindi na hinabol ni Marc ang kanyang kapatid pagka't bukod sa pagod na siya ay alam n'yang makauuwi naman ang kanyang kapatid mag-isa.
Nagtungo na si Marc sa labasan ng mall at sumakay sa kaniyang sasakyan nang mapansin niya ang mga lalaking nakaitim at mayroong dalang mga armas sa hindi kalayuan. Sa gulat n'ya ay hindi s'ya nakakibo hanggang makapasok sa loob ng mall ang mga lalaking 'yon. Tanaw na tanaw n'ya kung paano pinaputukan ng mga lalaking iyon ang gwardyang nangharang sa kanilang daraanan. Mistulang nakalimutan na n'yang may kapatid s'ya sa loob ng mall, kaya't pinaandar na niya ang kanyang sasakyan palayo sa lugar na yon.
Nagmistulang ghost town ang kanyang daan. Mula nang umalis siya sa mall ay wala pa syang nakakasalubong ni isang tao.. Akala n'ya ay makakauwi s'ya nang ligtas-- ngunit hindi pala. Hinarang siya ng tatlong lalaki na nakaabang sa guard house na papasok sa kanilang subdibisyon. Hinila s'ya ng mga ito at dinala sa isang liblib na lugar kasama ang iba n'yang kakilala sa kanilang subdibisyon.
Prenteng nanonood ang mga tao sa loob nang sinehan nang may pumasok sa loob na mga kalalakihang nakaitim, at may dalang armas. Nataranta halos lahat, kasama si Maxine. Lahat sila ay hindi alam ang gagawin, mayroong hindi gumagalaw, mayroong nagtipon sa isang tabi.. ngunit walang nagtangkang lumabas, pwera kay Maxine.
Tumakbo s'ya patungong exit ng sinehan, hindi sya nagdalawang isip pagka't nag aalala s'ya sa kan'yang kapatid na kanina n'yang iniwanan.
Nahawakan na n'ya ang hawakan ng pinto nang may kumirot sa kanyang bandang puso kasabay ng pag agos ng malakalawang na likido mula sa kan'yang bibig. Tiningnan niya ang kanyang katawan, at saka lamang niya napagtantong s'ya pala ang natamaan ng balang 'yon. Nanghihina na s'ya, ngunit nagpupumilit pa rin syang lumabas upang makita ang kanyang kapatid. Maya maya pa'y bumagsak na s'ya sa harapan ng pinto.. Sa pintong minsan na'y naging pag-asa para sa kanyang pangalawang buhay.. Little did she know, it was her last.
BINABASA MO ANG
Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)
De TodoThe gates have closed, and it's time to screen the applicants.