Applicant #2: Akin Ang Huling Halakhak!

585 24 20
                                    

Kapag binabasa na siguro ng iyong mga mata ang mga letra't salitang nakalatag sa iskrin ngayon ay malamang, matagumpay ko nang tinapos ang kwento ko. HAHA. Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa, huwag kang matakot 'di mo naman kasalanan kung bakit ko kinitil ang buhay ko. LOL.

Sa mga mambabasa ko riyan, ito na ang huli kong blog. Hehe.

Oo, hibang ako. HAHA. Bakit? Dahil sa mundo! Mundong binalutan ng kasamaan. Wala na akong ibang masilayan kundi kadiliman, karahasan, diskriminasyon, kasakiman, kabulaanan, kamatayan at hindi mabilang na suliranin. Hindi ko alam kung kailan magtatapos ang mga iyon pwera na lang kung patay na ako sapagkat 'di ko na mararamdaman pa ang pasanin ng mundo. HAHA.

Sawang-sawa na ako sa realidad na ito. Sawa na ako sa katotohanang 'di na muling huhupa ang nag-uumapaw na problema ng mundo.

AT DIYAN LUMITAW ANG MGA NILALANG SA AKING ISIPAN! ANG MGA NILALANG NA HINDI MO NANAISING MAKASAMA! Pinapatay nila ako. Oras-oras, hindi nila pinapalagpas ang isang minuto o segundo ng buhay ko. Digmaan! Digmaan sa aking isipan.

Sinasakal nila ako.

Nalupig nila ako.

Sila ang namamahala sa akin.

Pinapahirapan nila ako.

Ayaw nila akong mamatay.

Tulong? Hindi ko na kailangan pa.

Mas malala pa sa putukan ng baril at bomba ang aking naririnig minu-minuto. Mga sigaw, hiyaw, hapis, ungol, singasing at walang katapusang halinghing. Nakabibingi ang bawat ingay at halos sumabog na ang aking ulo dahil sa mga iyon.

Nag-uumapaw ang kapootan nila sa akin. Damang-dama ko ang nagbabaga nilang galit. Nasisilayan ko ang mga nanlilisik nilang mga mata. Galit na galit, tila ba'y mga leon at tigreng huyong sa aking laman. Bakit nila ako pinapahirapan? Wala akong kasalanan sa kanila.

Nabibingi ako! Hindi dahil sa katahimikan ng aking silid kundi sa mga katauhang nananahanan sa aking diwa. Pinipigilan nila akong gawin ang binabalak ko. Ngunit, ako'y nagpupumiglas, hindi na muling mangyayari ang nais nila. Dito at ngayon, magwawakas ang lahat. Magwawakas na ang giyera sa pagitan ko at nila.

Kadiliman. Wala akong ibang maramdaman. Kadiliman lamang ang bumabalot sa kaibuturan ng aking pagkatao.

Kasalanan ito ng mundo. Mundong madaya. Mundong walang ibang gawin kundi ang dagdagan ang pasan-pasan kong suliranin. Mundong ikinukubli ang katotohanan. Mundong uhaw sa kapangyarihan. Mundong mapanlinlang. Mundong mapangmata. Mundong walang ibang ginawa kundi ang humusga. Mundong binawi ang bawat karapatan ng mga umiiral. Mundong binalutan na ng imoralidad. Mundong sinakop na ng mga diyablo.

Kapayapaan! Kapayapaan lamang ang tanging hangarin ko. Katahimikan para sa lahat. Kapitagan para sa isa't isa.

Ito na.

Ngayon na.

Magwawakas na ang lahat. Hindi na nila ako muling malulupig. Hindi na nila ako muling masasaktan. Hindi na nila ako muling pagdudusahin. Ang mga diyablo sa aking isipan ay tuluyan nang mapupuksa. Ako ang magiting na magwawagayway ng bandera. Nasa akin ang huling halakhak. HAHAHAHAHAHAHAHA!

...

...

...






Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon