"Red Alert, Red Alert." Pa ulit-ulit na naririnig mo sa paligid. Sa 'di kalayuan na malapit sa bukana ay naghahanda na ang mga neurophils sa posibling pumasok mula roon.
"Nakapasok na sila sa paunang depensa." Ani na naman ng boses ng babae na naririnig mo ngunit hindi mo matukoy kung saan nanggagaling iyon.
Ramdam mo pa rin ang init ng hangin na bumabalot sa lugar. Bigla kang kinabahan. Kung nakapasok na sila sa paunang depensa, ang ibig sabihin noon ay malakas ang mga kalaban. Pinagmasdan mo ang bawat sulok ng lugar na kinatatayuan mo ngayon. Posibleng mula sa pulang pader na nakapalibot sa iyo at hindi sa bukana lalabas ang mga kalaban.
Ang katahimikan ay biglang sinira nang isang malakas na pagsabog sa bukana. Nandito na ang mga kalaban. Hindi lang isa o dalawa kun'di isang buong hukbo sila. Nakakatakot sila tingnan dahil sa bawat sulok nang kanilang katawan ay may iba't ibang laki at uri ng bibig.
"Sulong!" Sigaw ng isang neurophils. Namangha ka sa iyong nakita. Ang bawat isa sa neurophils ay nag-duplicate hanggang sa dumami sila at pumantay ang kanilang bilang sa dami ng mga kalaban.
Isa-isang hinarap nila ang mga kalaban. Nakita mo ang bawat detalye kung paano sila lumaban. Kinain, pinugutan ng ulo, hinati ang katawan sa dalawa at kung ano-ano pang paraan.
Tumagal ng ilang oras ang kanilang paglalaban. Makikita mo ngayon ang ilang neurophils na nakatayo at nag-iiba ng kulay. Mula sa kanilang orihinal na kulay puti ay naging pula na may halong lila at dilaw ang kanilang katawan.
Biglang gumalaw ang buong lugar na parang lumilindol. May kasama rin itong tunog na habang tumatagal ay napansin mong papalapit ito sa lugar na kinatatayuan mo. Nanlaki ang iyong mata nang makita mo ang mga papalapit – isang higanteng macrophages na may kasamang maliit na T cell at B cell.
Nanonood ka lang nang lumapit ang T cell at dumikit ito sa nahating katawan ng kalaban. Sumunod naman ang B cell at dumikit din ito kay T cell. Namangha ka sa nakita. Umilaw ang bilog na katawan ni B cell at may lumabas na kulay berde na hindi mo matukoy kung ano. Kahugis lang nito ang titik "Y".
Nakuha ang iyong atensyon sa ginawa ng macrophages sa may kanang bahagi. Kinakain nito ang mga neurophils. Nabigla ka sa iyong nakita. Gusto mo isigaw na tumigil na sila sa kanilang ginagawa ngunit hindi mo magawa. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang manood lang.
Mali man ito sa iyong paningin ngunit alam mong ito ay tama. Ginagawa lang nila ang kanilang trabaho na protektahan kayo, protektahan ang lugar na naging buhay mo.
Bigla kang nalungkot. Dahil para sa iyo ay wala kang kwenta dahil wala kang nagawa. Dahil ang alam mo lang gawin ay mag-ulat. Hindi kagaya ng nasa Lymphatic system, malalakas sila.
"Neuro 1921," tawag sa iyo ng isang kasamahan mo. "Tara na, kailangan na nating bumalik sa itaas at ipagbigay alam na wala ng problema rito." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)
RandomThe gates have closed, and it's time to screen the applicants.
