"Sugod!!!!!"
Dala ng aming mga armas, matapang naming sinugod ang kuta ng mga kalaban. Umaayon ang lahat sa plano. Kailangan naming magtagumpay sa digmaang ito kahit na pa nakataya dito ang aming mga buhay. Ito ang larangang pinili ng bawat isa sa amin. Dito, bawal ang takot. Takot na lumusob. Takot na makipagsagupaan. Takot na masaktan. At higit sa lahat, takot na mamatay. Kailangan, nakahanda ka sa lahat na maaring mangyari. Patay kung patay! Buhay kung buhay!
"Mga bata! Walang aatras!! Laban kung laban!!!" Sigaw ng aming pinuno.
Ilang saglit pa'y nag-umpisa na ang palitan ng putukan. Ang iba sa aming kasamahan ay patay na! Gayunpaman, ang iba ay matapang pang lumalaban. Saglit akong nagtago sa may batuhan upang kargahan ng bala ang aking armas. Naging mabilis ang aking pagkilos kaya't muli akong lumusob. Subalit nang ako'y tumayo sa aking kinalalagyan, isang bala ang tumama sa aking balikat. Dagli akong bumalik sa aking pinagtataguan at ininda ko ang sakit na idinulot nito.
"Aaaaahhhh!!!!" Sigaw ko nang pwersahan kong tanggalin ang bala sa aking balikat.
Hindi naman masyadong malalim ang tama kaya't napagdesisyunan kong bunutin nalang.
Tinanaw ko ang iba kong kasamahan subalit hindi ko na sila makita. Saglit na huminto ang putukan. Ito na ba ang hudyat na tapos na ang digmaan?
Natalo ba kami?
Kailangan ko na bang umatras?
Sinilip ko muna saglit ang paligid. Nang makita kong walang kalaban ay muli akong tumayo upang umatras na. Patay na ang aking mga kasamahan, siguro kailangan ko nang tanggapin na tapos na ang lahat. Na kami ang talo sa digmaang ito.
Sa bawat paghakbang ng aking mga paa, kasabay iyon ng pag-asang makakaligtas ako. Wala akong ibang iniisip kundi ang makalayo sa lugar na ito sa lalong madaling panahon...
"Hinto! Ibaba mo ang armas mo at itaas mo ang mga kamay mo!!" Utos ng dalawang lalaki sa may likuran ko.
Shit! Nalintikan na!
"Ibaba mo sabi ang armas mo!"
Tulad ng utos nila, dahan-dahan kong binaba ang armas ko. Pero hindi ibig sabinin non na sumusuko na ako sa kanila. Hindi ako basta-basta susuko!
Naging mabilis ang aking pagkilos. Dali kong dinukot sa bulsa ko ang isang granada at agad kong binunot ang pin nito at hinagis sa kanila. Tumakbo ako palayo upang hindi ako maapektuhan ng pagsabog, subalit.......
"Cut!" Sigaw ng aming direktor.
"Perfect! Okay, magbihis na kayo para sa next scene! Bilis, bilis! Walang babagal-bagal!" Utos pa niya.
Agad naman kaming sumunod sa kanya. Siya ang direktor. Pwes, siya ang masusunod...
Isa ring labanan ang pinasok ko bilang artista, kailangan ko makipagtagisan upang mapansin. At ginagawa ko lahat ng makakaya ko.
Ginagawa ko lahat dahil kailangan ako ang laging panalo... ang laging bida.
BINABASA MO ANG
Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)
RandomThe gates have closed, and it's time to screen the applicants.
