Applicant #68: War of Hormones

331 16 18
                                        

Napalunok ako at nanatiling nakatitig sa aking mga kamay na nakapatong parin sa manibela ng sasakyan. Kanina pa nakatigil ang kotse ko sa tapat ng pupuntahan namin, pero 'di ko magawang umalis sa aking pwesto. Nagdadalawang isip ako, dahil hindi pa rin kasi ako sigurado sa papasukin ko.

"Xander, hindi pa ba tayo bababa?" Agad akong napabaling sa rearview mirror, tinanong na kasi ako ng isa sa mga kaibigan ko. Gusto ko na ring tumuloy, pero may nagsasabi sa kabilang bahagi ng utak ko na 'di ko pa kaya.

"Anak ng Teteng, mga bru! Gusto ninyo ba talagang pumasok?" Iyon lang ang tanging naitanong ko, tiningnan ko ang katabi ko at ang dalawa sa likod. Nakita ko ang disgusto sa kanilang mukha. Alam ko namang sila talaga 'tong determinadong pumunta rito, pero 'di ko sila masisi kasi gusto ko rin naman. Kaya nga andito na kami, gamit ang sasakyang niregalo ni Daddy para ngayon sa aking kaarawan.

"Lalabas na ako. Kapag nakalabas na kaming tatlo at pagbilang ko ng sampu na wala ka pa sa labas, iiwan ka namin." Agad akong napabaling sa nakaupo sa passenger seat, dahil sa kanyang sinabi. Kinabahan ako bigla. Gusto ko nang mag-back out, pero naalala ko rin ang paliwanag ni daddy tungkol dito.

"Anak,kailangan mong maranasan 'to. Hindi 'yong parang wala kang alam, magmumukha kang tanga. Saka ako naman ang gagastos, nakareserve na nga ang isang special para sa iyo e."

Nakatitig ako kay Daddy na nakaupo sa gitnang upuan sa aming hapag kainan. Pinag-uusapan namin ang espesyal niyang regalo, dahil nasa tamang edad na raw ako. Ang edad kung saan legal at pwede na ang dating bawal, pwede na rin daw makabuntis.

"Pero dad, magagalit si mommy. Patay ako! Delikado kaya 'yong papasukin ko."

Biglang ngumisi si Daddy sa aking turan at bumawi ng sagot. "Delikado at makipot talaga ang papasukin mo anak, pero 'wag kang mag-alala. Hindi 'to alam ng Mommy mo. Hahaha!" Kasabay ng paghalakhak ni Daddy ay napatapik ako sa aking noo. Wala na akong ibang pwedeng gawin para kumbinsihin si Daddy na iurong ang balak niyang pagsabak sa akin sa giyera!

Nabalik lang ako sa kasalakuyan, nang biglang lumabas na ang mga kaibigan ko. Pambihirang buhay, naging bente uno anyos lang ako ngayong araw. Pero bakit kailangan kong sumabak agad sa giyera ngayong gabi? Hindi ko pa sigurado kung handa na ba ang armas ko, 'di pa ako magalin kumalabit. Letse!

Huminga ako ng malalim at binuhay na agad ang makina ng sasakyan ko, bahala na nga. Nang mag-umpisa na akong magmaneho ay nakita ko sa side mirror kung paano nanlumo ang mga kaibigan ko. Bahala na talaga, tangnang life itu!

Nang matapos kong iparada ang sasakyan sa gilid ng bar ay bumaba na ako at tinungo ang kinaroroonan ng mga nakatanga kong mga kaibigan. "Tara na, pasukin na ang kailangang pasuking butas! Magsisisi na lang ako bukas. Mag-party party na lang tayo ngayon mga bugok, ay letse! 'Di na pala tayo bugok, bebendisyunan na tayo mamaya! Wohoo!"




Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon