Lumaki ako nang lumaki. Pa'no ba naman kasi, itong si Bossing; 'di na raw mapigilan ang sariling labanan ang nag-iinit niyang katawan. Parati na lang naghahanap ng puwedeng pagpalipasan ng oras at ako pa ang materyal upang mabuo niya ang pansariling kasiyahan. Naghahanap ng kaaway at nakikibaka sa kani-kanino. Hindi niya alam na napapagod din ang alagad niya. Napapagod din akong tiisin lahat ng sakit para lang sa kaniya.
"Ahhh!" sumigaw ako nang pagkalakas-lakas. Hindi ko mawari ang pagkahilo nang kainin na naman ako ng Demonyo. Ngunit ang nakapagtataka, tubigan lang ang aking katawan at wala man lang akong kahit na anong galos. Tanging pagkahilo lang ang aking naramdaman.
Nangyayari ang mga ito tuwing pagsapit ng alas-dose ng hating-gabi. Walang taong nakakaalam sa aking hinanakit. Tulog na ang lahat at ang tanging sigaw ko na lang ang nag-iingay sa nag-iinit na sandaling ito. Nakikipaglaban ako sa isa na namang Demonyo.
"Huwag kang lalapit!" sigaw niya sa akin. Parang sa tuwing lalapit ako sa kaniya, natatakot din siya. Magkatulad na magkatulad ang aming gusto. Pareho kaming duwag. Ngunit bakit nga ba kami naglalaban kung pareho pala kaming nasasaktan at natatakot na pagkatapos nito, kami rin pala ang magdurusa?
"Hindi ko 'yan magagawa. Gustuhin ko mang 'wag kang saktan, si Bossing na ang masusunod sa ngayon. Patawad." Kinontrol ako ni Bossing at kasabay no'n, sinugod ko na ang kalaban.
"Aray, shit ka! Hindi kita uurungan!"
"Pareho lang tayong nasasaktan, kaya mas mabuti pang ibigay mo na lang ang buhay mo para kay Bossing!" saad ko. Napagmasdan ko ang kakaibang dugo na bumalot sa buo kong katawan. Ngayon lang ako nakibaka na may bahid ng dugo pa! Hindi ako makapaniwalang mas malakas na pala si Bossing ngayon. May mas makapangyarihang enerhiya na pala siyang tinataglay sa oras na ito.
Dati-rati kasi, wala akong kalaban laban sa mga kaaway ko noon. Pero ngayon, nagawa ko pang saktan ang magandang dilag dahilan upang manghina at dumugo ang ilang parte ng katawan niya. Umiiyak na siya sa sakit dahil sa pagtusok ko sa sarili kong espada patungo sa kan'ya. Napangiti ako; pero sa kabila no'n, may hilo pa rin akong naramdaman.
Sugod!
Tuloy ang laban namin. Pinasok ko ang aking sarili sa kaniya; ito ang aking ginawa no'ng mga panahong may mga katunggali ako. Sigurado akong panalo na ako ngayon.
"Tama na! Ahhh!" Mukhang sa akin na nga ang trono. Hanggang sa unti-unti akong nahilo at para bang naramdaman ko ang kakaibang dumadaloy na likido sa aking sarili. Dito na magtatapos ang lahat; sumuka ako, hindi dugo kundi likidong puti na naghuhudyat na tapos na ang laban.
"Round 2 pa, Babe?"
BINABASA MO ANG
Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)
RandomThe gates have closed, and it's time to screen the applicants.