Ang hirap isipin, ni damhin. Siya nga ba sa aki'y may pagtingin? O sadyang ako lang ang sa kaniya'y nahuhumaling? Kaya atensiyon ko, sa kaniya lagi nakabaling?
Hindi ko maintindihan, ako'y naguguluhan. Siya lagi ang tumatakbo sa aking isipan. Napapagod na ako na sa kaniya'y makipaghabulan. Dapat ko na ba siyang lubayan?
Ngunit mapaglaro ang tadhana, pagpaparamdam niya sa aki'y 'di alintana. Gusto ko na siyang tigilan at lubayan, pero siya pa rin ang aking binabalik-balikan.
Bakit ngayon lang siya nagparamdam? Tinunaw ko na siya sa aking gunam-gunam. Pilit na nilalayuan at tinatakbuhan, pero ako pa rin ang higit na nahihirapan.
"Hay naku, sasaktan ka lang niyan. Paglalaruan, pahihirapan hanggang sa pagkatao mo'y mayurakan. Kung ako sayo, lulubayan ko na iyan," bulyaw ni Mindy at biglang napatayo sa kinauupuan.
"Hindi lahat ng lalaki manloloko, mayroon pa rin namang tapat at seryoso," ayuda ni Heart na nanggigigil sa kinauupuan.
Napaisip tuloy akong bigla, sa langit ay napatingala. Siya nga ba sa aki'y pagpapala? O hatid sa buhay ko'y sumpa?
"Tumitibok-tibok ka lang kaya huwag mong isiping lahat ng bagay ay iyong isinasaalang-alang!" Giit ni Mindy at ginawaran nang isang malutong na sampal si Heart sa kanang pisngi.
"Huwag kang magmarunong!" Segunda ni Heart at itinulak ito nang malakas hanggang sa mapaupo sa sahig.
"Hindi porque bumilis lang ang tibok ng puso mo'y mahal mo na ang isang tao!" Turan ni Mindy sabay hablot sa buhok ni Heart at nagpagulong-gulong sila sa sahig.
"Tama na iyan!" Awat ko ngunit ayaw nila akong pakinggan.
"Hindi lahat ng iniisip mo'y tama! Madalas, isa kang tamang hinala!" Giit ni Heart na nanggigigil sa paghatak ng buhok ni Mindy.
"Sa tuwing kinikilig siya, ako ang nagsasabi 'di ba? Kaya ako rin ang dapat niyang sundin kung ano ang magiging desisyon niya!" Pagduduldulan ni Mindy sabay kalmot sa braso ni Heart.
"Ah!" Daing nito.
"Tumigil na kayo!" Sigaw ko.
"Ano Vona? Si Heart ba ang susundin mo? Hindi ako nagkulang na paalalahanan ka kaya huwag kang iiyak-iyak sa akin kapag nasaktan ka nang isang paasa." Pahayag ni Mindy habang inaayos ang kaniyang sarili.
"Vona, kung ano ang nasa puso mo sundin mo. Ipaglaban mo kung ano ang iyong nararamdaman at huwag papadaig sa iyong gunam-gunam. Kung masaktan ka man, nandito lang ako para ika'y damayan kahit na ako mismo'y isang sugatan." Turan ni Heart.
"Anong nangyari sa'yo Vona? Bakit ka sumigaw?" Bungad ni Ate sabay kuha sa akin ng remote ng T.V.
"Ha? Wala 'to, tara kain na tayo." Palusot ko sabay tayo at tumungo sa hapag-kainan.
Oo, tao rin ako na maaaring masaktan at mahirapan pero siya talaga ang laging tumatakbo sa aking isipan at tinitibok ng puso kong puno nang kapighatian. Maaari kayang magkasundo ang aking puso't utak? Para naman kahit minsan ang kaligayahan ko'y maging pagak kahit na sa huli'y maaari itong mawakwak.
BINABASA MO ANG
Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)
AcakThe gates have closed, and it's time to screen the applicants.