Applicant #29: Ikaapatnaput-Dalawang Putok

420 22 28
                                        

"One! Two! Three! Fire!"

Mabilis kong itinaas-baba ang aking kanyon. 'Di nagtagal ay lumabas na ang bala mula rito. Ganoon din ang sa mga kasamahan ko.

Nagliparan sa ere ang kulay puti at malapot na likido mula sa aming kanyon. 69 degrees ang angle na settings na inutos ng Heneral. Nahirapan pa nga ako sa pag-adjust ng kanyon sapagkat challenging ang posisyon.

Napahiyaw kami nang muling nagkagulo sa kabilang isla. Successful ang pagpapaulan namin ng bala roon, 'di tulad ng mga nauna naming pagtirang pangit ang anggulo. Tila ba asido ang mga iyon na mabilis na tinutunaw ang kahit ano o sinong madapuan noon.

"Reload! Get ready for another shot!" utos muli ni Heneral.

Mahigpit kong hinawakan ang kanyon ko. Matigas pa rin ito ngayon kaya binilisan ko na ang aking pagkilos. Nang nagbigay na ng hudya, ipinutok ko na ito. Hinabol ko ang aking hininga matapos noon dahil ikaapatnaput-isa na yata ito.

Marami na ang nakahandusay sa kabilang isla, ngunit mas marami pa rin ang nakatayo. Hawak naman nila ang kanya-kanyang malaking granada. Nagre-reload na sila kaya kami naman ang dapat maghanda sa malabnaw na likidong ikakalat noon.

"Reload again! Quick! Don't let them kill us with that kind of trick! Nobody can drag us down."

Nanginginig na ako nang hinawakan ko ulit ang aking kanyon. Hind na matigas ito. Napakunot-noo ako. Tinignan ko ang sa aking mga kasama. Ganoon din sila. Kita ko ang pagkainis sa kanilang mukha gaya ko.

Pero kahit na ganoon, nagawa pa rin naming makapagpaputok. Hindi nga lang umabot sa kabilang isla.

Napahawak ako bigla sa aking dibdib nang nakaramdam ako ng masakit. Sobrang sakit na parang biglang may bumara sa aking puso. Sunod ay bumagsak na lang ako basta sa lupa, kasabay ng mga kasamahan ko. Pare-parehas kaming nakabulagta.

Pa'nong nangyari 'to? Hindi pa tumitira ang mga kalaban namin.

Bumagsak na rin si Heneral, at doon ko lang din napagtantong inatake kaming lahat sa puso.

Puta. Talo kami.



Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon