Putangina!
Putangina mo rin.
Ang gago mo lang kasi. P'wede mo pa 'yang kimkimin.
Nabubuang ka na? Kimkimin? Labing-walong taon ko nang ginagawa 'yan.
Anong gusto mong mangyari? 'Wag mong sabihing itutuloy mo 'yan?
Ewan. Siguro. Kapag bumaba na sila.
Ano na lang ang sasabihin ng iba?
Ano namang pakialam ko sa kanila?
Syempre nakakahiya. Magandang modelo ka pa naman sa mga kapatid mo tapos...
Hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang gagawin ko.
Sa mga mata mo. E, paano ang mata ng nakararami?
Ano namang pakialam ko sa kanila?
Pagtatawanan ka nila.
E, ano ngayon?
Pandidirihan.
'Yon lang?
Katatakutan. Lalayuan. Babastusin. Tatapak-tapakan. Ingungodngod ang pagkatao sa putik.
...
Gagawin mo pa rin? Ayos lang sa 'yong mahusgahan?
...
Ano? Pahihiyain ka lang ng gagawin mo. Kamumuhian ka nil—
Gagawin ko pa rin.
...
Gagawin ko kahit magmistula akong nakakahawang sakit sa paningin ng ibang tao. Kasi do'n ako masaya 'di ba? Kailan ba naging importante ang tingin ng ibang tao?
Baliw ka na.
Wala akong pakialam kung husgahan man nila ako. Likas sa mga tao ang manghusga. Mapamabuti o mapasama ang gagawin mo, lahat huhusgahan ka base sa makasarili nilang pananaw.
Ang tanong, kaya mo?
Kakayanin.
Mapapahamak ka lang.
Isang bagsakan lang 'to.
Kung ako sa 'yo hindi ko na itutuloy 'yan. Ang daming mawawala.
Ano?
Tiwala nila. Kaya mong isakripisyo 'yon?
Gagawin ko pa rin.
Napakamakasarili mo!
Hindi. Gusto ko lang maging masaya.
Masasaktan sila!
Ako ba hindi?
'Wag mong gagawin! Maawa ka sa sarili mo!
Kaya ko nga 'to gagawin kasi awang awa na ako sa sarili ko!
Maghintay ka na lang ng ilang taon! Magbabago ka pa!
Hindi! Ito na ako!
Isa 'tong malaking kabaliwan!
Alam ko kaya hayaan mo na ako!
Mapapahamak ka! Wala kang kinabukasan sa gagawin mo!
Manahimik ka!
Ayan na sila.
Gagawin ko na.
'Wag!
Ito na.
Tumigil k—
"Ma, pa... bakla po ako."
**
Tangina, girl. Ang sakit ng suntok ni pudra.
Magdusa ka, girl.
'Di bale, natalo naman kita.
BINABASA MO ANG
Catharsis II: An Army of Words (AUDITIONS)
AléatoireThe gates have closed, and it's time to screen the applicants.