sixty three; pain

17.5K 407 41
                                    

NOTE: Kung hindi mo pa nababasa yung unang libro, hindi mo ito pwedeng basahin because it has spoilers, so beware. Pero kung pasaway ka, ikaw bahala, ikaw rin magsisisi. Haha! ;)
_______________________

Six months na ang nakalipas nang nalaman kong niloloko lang niya ako. Six months na ang nakalipas nang humagulgol ako sa iyak. Six months na ang nakalipas ng hindi ko siya makalimutan at hanggang ngayon, bitter pa rin ako. Inaamin kong iba ang droga niya dahil kahit nililibang ko ang aking sarili, wala pa din nangyayari dahil naaalala ko na naman mga memories na naglaho sa amin. Six months na din nakalipas ng wala na akong balita tungkol sa kanya.

"Alexandra! Wag ka na naman magkulong dyan sa kwarto mo, halika't kumain." Tawag sakin ni mama galing sa ibaba.

I cover my face with a pillow and started to ignore the world.

Ano ka ba, Alex. Ilang buwan nang nakalipas, itigil mo na yan. Dapat nang magmove-on. Ang dami daming lalaki dyan. Sabi na naman ng konsensya ko na paulit ulit sa nakalipas ng anim na buwan.

Iniisip ko din na Sunday ngayon at Monday bukas. Syempre, magulat ako maging Tuesday kagad? Buti nalang at bakasyon na at pagpasok ko, 4th year college na ako. Ang bilis ng panahon kahit ang author na sumusulat nito ay hindi napansin na ang bilis lumipas ng panahon dahil kailan lang, parang papasok pa lang ako ng dorm at para harapin mga nightmares sa buhay ko.

Pumapasok pa ba ako sa Chesterville University? Yes. Pumapasok naman ako at tinapos ko ang mga dapat gawin bago magbakasyon ngunit sinusundo at hinahatid na ako ni mama. At talaga nga naman na umiiwas ako pumunta sa dormitory at kahit saan na alam kong dun siya pumupunta. Pero one time, nilapitan ako ni Troy at sinabe na kahit sila, hindi na nila alam kung nasaan na si Zac. Kahit siya mismo, wala nang balita sa best friend niya. Pero wala na akong sagot sa kanya dahil galit din ako sa kanya at umalis nalang kagad ako sa harapan niya.

Nag-aalala ka ba, Alex? Ewan ko. Hindi ko alam. Sabi ko nga, mahal ko. Siguro may part pa rin na galit, broken, alala, pagmamahal...

Sabihin na naten na mababaw ako pero, yun yon e. Hindi ko na talaga maiiwasan. Ang babaw babaw ko pero iniiwasan ko talaga siya, lumayo ako, iniwan ko siya dahil nasaktan ako. Umuwi ako dito sa bahay para humagulgol kay mama na wala naman kamalay-malay kung ano na nangyari sakin.

Pinaliwanag ko sa kanya lahat. Hindi niya ako sinampal, binugbog, kundi umiyak din siya and she really tried to understand me.

She just hugs me tightly hangga't sa makatulog ako sa dibdib niya parang dati lang nung bata ako. Kapag, niloloko ako ng mga bata sa labas, tatakbo lang ako kay mama. Iiyak ng iiyak hangga't sa makatulog ako. E, ngayon, ganon pa din. Niloko ako, umiyak at nakatulog sa kanya.

Sa totoo lang, sa ginawa niya sa akin lalo ako lumakas, lalo ako naging matapang, palaban lalo. Pero, nandun pa din yung bitterness sa puso ko at sa isipan ko. Nandun pa din yung scar na nag-iiwan ng ebidensya na minahal ko siya at hanggang ngayon, mahal ko pa din.

"Alexandra..." Narinig ko na naman boses ni mama pero hindi na ito galing sa ibaba kundi malapit siya sa akin habang nakatakip pa din ako ng unan sa mukha ko.

"Alam kong hindi ka natutulog at ang alam ko, umiiyak ka na naman."

Tinanggal ko yung unan sa mukha ko at hindi ko napansin na, oo nga, basang basa yung mukha ko, puro luha.

Kilalang kilala na niya talaga ako. Hay nako, ma, sana pinakinggan nalang talaga kita una pa lang. Kung nangyari yun, sana masayang masaya ako hanggang ngayon at sana, magkasama kami ni Seb-

Seb. Nag-iisang kaibigan na kahit kailan, hindi ko pinagdududahan. Na ginamit lang din ako para sa paghihiganti niya.

He made me fall in love with Zac. He made me feel alive but broken at the same time. Seb made that happened. Yun ang plano niya, to make me fall in love with Zac.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon