Zac
Panibagong mascot para sa panibagong araw. I can do this, I really need to. I know I'm still a coward for not talking to her. I'm still not ready. I want to but...
"Kinakabahan ka na naman." Sabi ni Louis habang kumakain ng pizza.
"Kaya mo yan." Sabi naman ni Troy.
"Okay. I can do this." Sabi ko sa sarili ko at papasok na sana ako ng dormitory nang biglang nakita ko siya palabas.
Umatras kagad ako at nagtago sa likod ng kotse.
"What happened?" Tanong ni Troy at naggesture akong yumuko sila and so they did.
"I need to go now." Sabi ko habang nauuna si Alexandra maglakad.
Pumunta ako sa likod niya at sinusundan lang siya habang nakamascot ako. I really look like a stupid mascot.
"Saan na naman kaya siya pupunta?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ma, tignan mo oh! Gusto ko magpapicture." Turo ng bata sakin.
Tinignan ako ng nanay at ngumiti naman ito pero nagmamadali na ako.
"Teka teka. Gusto ng anak kong magpapicture." Sabi ng nanay at hindi ko naman mahindian ito.
Tinitignan ko si Alexandra, palayo ng palayo. Fuck.
Ready na yung camera at nasa tabi ko na yung bata. Nang biglang sabi ng nanay na, "Teka, lowbat na. Yung phone ko nalang gamitin ko."
Fuck, I need to catch her. Tinitignan ko kung nasaan ko siya huling nakita at wala na siya dun.
"Okay, ready? 1, 2, 3..." Click!
Bigla ako tumakbo para habulin siya at nagugulat yung mga taong nasa paligid ko dahil nababangga ko sila pero wala na akong pake dun, kailangan ko siyang mahabol.
Nasaan na ba siya?
Tinignan ko yung paligid at nang tumugtog yung malungkot na kanta galing sa jeep, natanaw ko siya.
Nasa loob siya ng 7/11.
Tinignan ko lang siya at nakatitig lang ito sa iisang bagay. Kinuha niya ito at laking gulat ako nang makita ko yung lollipop na nasa kamay niya.
Patuloy pa rin tumutugtog yung jeep na malapit sakin, naghihintay siguro ng pasahero ito.
She's about to cry but she didn't. She's about to buy that lollipop but she didn't. Sinoli nalang niya at umalis na sa 7/11.
Tinignan ko lang siya at dumaan siya sa harapan ko pero bumalik naman ito kagad dahil siguradong nakita niyang may mascot na pakalat kalat sa gilid ng daanan.
Tinignan niya lang ako at ang sabi, "Hello?"
Ang ganda niya, malapitan malayo, kahit saang anggulo, maganda siya.
"May tao ba dyan?" Tanong nito at hindi ako makagalaw dahil hahawakan niya yung mukha ko.
Malapit na yung kamay niya sa mukha ng mascot. Pero, akala ko hahaplusin niya kundi kumatok siya.
Fuck. Ang lakas niya kumatok.
"Aray." Sabi ko with a deeper voice.
"Sorry po." Sabi niya.
"Okay lang." Sagot ko at umalis naman ito kagad.
Sinundan ko ulit siya at hindi ito pabalik ng dorm. Saan na naman kaya siya pupunta?
Nang makita ko na kung saan siya pupunta, napasimangot ako dahil talagang hindi ako makakapasok.
Jollibee.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...