eighty seven; flashbacks

4K 195 8
                                    

"Zac, bitiwan mo ko." Sabi ko sa kanya habang hinihila pa rin niya ako pero hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Hindi pa rin siya kumikibo.

"Zac, please."

Lalo ako kinabahan dahil galit na galit na talaga siya sakin.

"Sorry, Zac. Maniwala ka, hindi ko ginusto yung nangyari sa buhok mo. Promise."

Pero hindi parin niya ako pinapakinggan. Napansin ko na kung nasaan kami, nandito kami sa hallway huminto siya at binuksan yung isang classroom. Pumasok kami dun at nilock yung classroom.

Shit. Napapamura ako sa isip, kinakabahan ako. Kaming dalawa lang nandito. Mga tao, nasa labas at siguro akong walang pupunta dito sa classroom o sa hallway dahil alam nilang nandito si Zac.

"Zac, anong... anong ginagawa naten dito?" Tanong ko at umupo siya.

"I'm not mad." Mahinhin niyang sabi.

"Hindi ka galit?" Bulong ko.

"I'm just irritated."

"Sorry." Mahinhin kong sabi.

"Why?" Bigla niyang tayo at lumapit siya sakin at hinawakan braso ko.

"Anong bakit?"

"Bakit buhok ko pa?!" Inis na sabi niya at sa nakikita ko ngayon sa kanya, iiyak na siya.

"Um, hindi ko alam. Promise. Zac, wag kang iiyak."

First time kong makikira siyang iiyak ng dahil sa buhok niya at mukhang mahal na mahal niya talaga buhok niya.

"I'm not gonna cry. I swear. I will not." Sabi nito at binitiwan niya ako, tumalikod siya at nakita kong umiiyak na siya dahil sa pagpahid niya ng luha niya.

"Zac?"

He sneeze, "Hindi ako galit sayo. I just needed someone like you..." He paused, "Right now." He continued.

Nakatingin lang ako sa kanya nang tumalikod na siya.

"Sorry." Sabi ko sa kanya, ano pa ba gagawin ko? Yun lang kaya kong gawin.

Lumapit siya, "Gusto kong saktan kaibigan mo, but I can't. I don't want to."

Napalunok ako dahil inisip niya yun, na saktan si Kathleen.

"Because I've changed, Alexandra. I' ve changed because of you." Sabi nito at bago pa ako magdalawang isip...

I realized na nakayakap nako sa kanya, I did the move. Ako ang yumakap sa kanya at hindi ako makapaniwala na nangyayari na 'to dahil namiss ko ng sobra yung yakap siya, yung kasama siya.

"But promise me, you're going to remove this thing on my head." Sabi nito and we let go of the hug.

"Teka... niyakap kita dahil naaawa ako sayo, hindi ibig sabihin, bati na tayo." Taray kong sabi at aalis nako ng hawakan niya yung kamay ko.

Baliw pala 'to e. Pinapaikot yung ulo ko. Naloko na naman niya ako, hinding hindi nako maniniwala sa kahit ano pang gawin at sabihin niya.

"You're not going anywhere."

"Bitiwan mo ko, Zac." Sabi ko sa kanya, "Hindi lahat ng bagay, dinadaan sa panloloko!" Habol ko.

"What are you talking about?"

"Hindi ka pa ba makamove-on na ikaw na best actor of the year?!" Inis na sabi ko.

"Hindi kita niloloko."

"You are." Sagot ko at lumalaban ako sa paghahawak niya sa kamay ko.

"Alexandra, totoong iyak yun."

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon