sixty five: message

6.9K 273 47
                                    

Nakita ko na siya. Sa nakalipas ng anim na buwan, nakita ko na muli siya. Nakatayo lang siya at nakatalikod, ganon pa rin yung palagi niyang sinusuot. May porma pa rin, at yung buhok niya na ayaw na ayaw niyang ipagalaw. Nakikita ko na siya.

Nilapitan ko siya at alam kong ayoko pero... I should take the chance. Totoo na kaya ito?

Alex, tumigil ka nga. He lied to you. He took your virginity away. He just used you and now you want him back? Are you a jerk? Sabi ng konsensya ko at napaisip ako sa lahat ng sinabe nito.

Tama siya, tama siya na dapat hindi ko na siya lapitan, tama siya na lumayo na dapat ako dahil, ano pa ba magagawa ko? Wala na. Wala na ang lahat. Kaya, lalayo na ako.

I turn around at palayo na ako ng bigla siyang nagsalita, "Alexandra."

Napalingon ako at nakaharap na siya sakin at ang dagdag, "I still love you."

Omg.

Alex, turn around! Pero...

"Alexandra, believe me."

Ano ba, Alex. Hindi ka niya minahal, niloko ka lang. Tigilan mo na siya! Yun ba talaga totoo? Hindi ko maintindihan.

Magconcentrate ka sa nararamdaman mo. Hindi porket nakita mo siya, sincere na siya sayo. Hindi mo ba iniisip mga nagawa niya para saktan ka? Oo, iniisip ko. Pero sabi niya...

"My infintite love is... you."

Alex...

"Alexandra..."

Alex, ano ba.

"I still love you."

Hindi ka na niya mahal, wag kang maniwala.

"Believe me, please."

Ring! Ring! Ring!

Bigla ako napabangon at nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko. Ano ba itong panaginip ko. Panaginip ba talaga 'to o reality? Nakakaloka. Dinaig pa sa mga nangyari sa nightmares.

Hinawakan ko ulo ko at napakasakit naman nito. Ang dami ko iniisip, kaya siguro ganito.

Ring! Ring! Ring!

Kinuha ko phone ko sa ilalim ng lamp shade ko at nakita ko naman na hindi naman ito nagriring.

Ring! Ring! Ring!

"E, ano yung nagriring?" Sabi ko sa sarili ko.

At tinignan ko yung box kung saan nakalagay yung mga memories namen ni Zac.

Gumagalaw yung box.

"Sobra naman makavibrate, pati buong box gumagalaw." Comment ko dito at kinuha ko na kagad ito.

Kinuha ko yung phone ko at si Troy ang tumatawag.

Ang aga aga, tumatawag 'to. Hay nako nga naman... pero, kung hindi siya tumawag, nananaginip pa rin ako sa nightmare ko.

Ngayon lang nangyari yun. Yung pati konsensya ko, nakikipagtalo sa feelings ko.

Ring! Ring! Ring!

Sagutin ko na nga ito.

"Hello?" Sabi ko at feeling ko talaga, napakahusky ng boses ko ngayon tapos ang sakit pa rin ng ulo ko.

"Partner!" Biglang sigaw nito at napasigaw ako ng 'aray!'

"Aga aga, ginugulat mo mga kapit bahay namen." Sagot ko.

At tumawa naman ito.

"Ano ba kase kailangan mo?" Tanong ko.

"Magbihis ka na noh. Sasamahan kita sa bagong apartment mo."

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon