one hundred fifteen; escape

4.2K 153 10
                                    

~ FINALE ~

Alex

"Hi." Bati ko sa kanya pagkapasok niya ng dorm.

"Hey." Sagot niya at niyakap niya ako ng mahigpit, "I have good news." Dagdag niya.

"Talaga? Ano yun?" My voice almost cracked.

Alex, calm down, wag ka muna iiyak.

"Okay na kami ni Troy."

Napangiti ako sa magandang balita na yun, "Buti naman."

"Umm, so..." He mumbled and I can't find the right words para i-explain yung nalalaman ko kanina sa bahay ni mama.

"Zac, may sasabihin ako..."

"Why don't we sit first?" Suggest niya and I nodded at umupo kami sa sofa.

"Okay, um, let's order something like a pizza or pasta? Or something that starts with p?" He smiles pero alam kong pinipilit niyang ngumiti.

Gusto ko man ngumiti pero mukhang iiyak nako. I will fight it. Na hindi ako iiyak. Kaya ko ito, kaya namin ito.

"Libre mo?" Biro ko sa kanya.

"Of course, baby." Sabi niya at kinuha niya yung phone niya at tinawagan si Bogart.

After a while, bibili na raw si Bogart ng pizza and I smile at him.

"Zac..." Umpisa ko, "Gusto kong malaman mo na, hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Na kahit ang dami na natin pinagdaanan, hindi tayo sumuko sa isa't isa... hindi ko alam kung paano 'to sabihin, pero kailangan e. Mahal na mahal natin ang isa't isa diba?"

Hinawakan niya kamay ko, "I want to kiss you... so badly. Kaya lang-"

"Then kiss me." Sabi ko.

Tinignan niya ako sa mga mata at namumula na ito na alam kong paiyak na naman siya.

"Alexandra, I... I want to but, it's impossible for us to do that." Amin niya.

"Naniniwala ka ba talaga?" Tanong ko.

He took 45 seconds to reply.

"It depends kung ano sinabi ni tita."

"Kiss me, Zac. Kiss me hard like there's no one stopping you." Sabi ko sa kanya, ignoring his reply.

"Don't be like that, please."

Tumayo ako at hinarap siya, "Kahit ano pang sabihin ng iba, hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala dahil itong nararamdaman ko para sayo, iba, iba yung sparks sa tuwing nakikita kita at nakakasama, iba yung init kapag magkayakap tayo o kapag magkadikit yung mga labi natin, iba talaga, Zac." Iyak ko.

"We can't take the risk, Alexandra. It's complicated, nasabi na nila ang totoo, ano pa ba gusto mong sabihin nila? Alexandra, we're incest!" Iyak niya rin.

Siguradong alam na niya yung nalaman ko kay mama kanina. Siguradong alam niyang parehas yung sinabi ng tatay niya at mama ko kaya niya sinasabi ito sakin. Pero kahit anong sabihin ni Zac, hindi ako basta basta susuko sa kanya, sa amin.

"No! Hindi ako naniniwala. Hindi totoo yan. Kahit kailan, Zac, hindi ako nagdalawang isip sa nararamdaman ko para sayo. Pero ngayon, pinapakita mong... naniniwala ka sa mga sinasabi nila." Galit kong sabi hanggang mahinhin na tono.

Tumayo siya at hinawakan niya ako sa dalawang kamay, "I want to believe, baby. I really want to."

"Pero, ano? Natatakot ka? Natatakot kang may mangyari satin tapos pagsisihan mo?"

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon