one hundred one; legally?

4.3K 194 18
                                    

Zac

"Dapat happiness ang lumalabas sa bibig mo. Hindi yung bitterness." Lecture na naman ni Troy.

"I want to. Pero paano? Eh, two days ago, narinig kong nag-uusap si Alexandra at si tita about me. And the bad thing is, hindi raw ako karapat dapat kay Alexandra. I don't think I still have a choice, man."

"Zac, kanina pa tayo dito sa office mo. Natapos na ang battle of the bands. Success ito and you should be proud of her. Congratulating her. And the final talk will be... talking to her. About you. And. Her."

"I get it." Sagot ko.

"So? Get up and go home and then talk to her."

"2 days ka na hinahanap samin ni Alex at 2 days ka na nagtatago dito sa office. At nakalock pa. Pinapakita mong kaduwagan mo." Asar niya.

"Hindi ako duwag. Naghihintay lang ako ng tamang oras."

"Really? It's Saturday, man. Magbonding kayo ni Alex." Suggest ni Troy.

"Fine, fine. I'll talk to her."

"Good. Now, I can get my knife and stab it to my chest." Bulong niya.

"Huh?"

"Walaaa." Sabi nito at umalis na.

Now, I need to find her.
_____________________

Alex

"Sa tingin mo, may nangyari sa kanya? Trina, I can't live without that." Iyak kong sabi sa kanya habang nandito kami sa dorm ko.

Wala si mama ngayon, may lakad daw siya. So, kaming dalawa lang ni Trina nandito. Tinawagan ko siya kase hindi ko na kaya yung mga nangyayari these past 2 days. Bigla nalang ako hindi pinansin ni Zac, okay naman kami nung nagtetext kami after ng judging ng top 10. Tapos nung gabi na 'yun, sabi daw niya, pauwi na raw siya.

Hindi kami nagsabay dahil, malalate daw siya e 'di nauna na ako. Pero hindi naman siya umuwi ng bahay.

"What do you think happened?" Tanong niya.

"Ewan ko, siguro may dumaan isang magandang babae at iniwan na niya ako."

"Alex, maganda man yun o sexy, hindi ka niya ipagpapalit. Ang dami na kaya niya nagawa sayo, na sacrifice. Diba? Kaya wag ka nang umiyak dyan."

"Pero, 2 days yun, Trina. Hindi ko siya nakita in 2 days. Kahit sa battle of the bands. Kahit dito sa dorm. Hinintay ko siya umuwi, pero wala. Hinintay ko siya." Iyak ko.

"Halata nga sa mga mata mo." Sabi nito at hindi ko alam kung saan ba ako maiinis dahil abg laki na ng eye bags ko.

"Nakausap mo ba si Troy?" Tanong ko, "Sa tingin mo, nakita na niya si Zac?"

"Um... hindi e."

"May good news pa naman ako sa kanya tapos tatakbuhan niya ako." Iyak ko na naman at suminga ako sa tissue.

"Ay ganon? Sino mas mapera?" Biro niya.

"Siya. E 'di ako na ang tumakbo." Iyak ko.

Tumawa naman siya, "Pinapatawa lang kita, Alex. You don't need to be like this. Have fun and live your life."

"Live my life? Live my life?! Siya ang life ko. Siya lang." Iyak ko at lalong lumala yung iyak ko nang bumukas yung pinto.

Napatingin kami at hindi ako makapaniwala na si Zac yung nakikita ko.

"I guess, I'll leave you two alone." Ngiti ni Trina at umalis na siya.

"Zac." Sabi ko at pinunas ko mga luha ko.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon