Alex
Nakalipas ng ilang oras... nakakapagod talaga mag-ayos ng gamit pero buti nalang at tapos na. As in lahat! Makakapagpahinga na ako pero biglang kumulo tyan ko.
Nako, wala pa naman akong masyadong pagkain ngayon. Mamimili rin ako pero hindi na muna ngayon. Hmm...
Tinapon ko sarili ko sa sofa at kinuha ko yung phone ko. I scroll up and down kung ano pwedeng gawin.
Ring! Ring! Ring!
"Tumatawag na naman 'tong babaeng 'to." I chuckled.
Sinagot ko ito at bumungad sakin kagad yung sigaw niya.
"Kathleen, ano bang nangyari sayo?"
"Alex! Bakit hindi mo ko sinabihan na nandyan ka na? Sana tinulungan kita mag-ayos ng mga gamit."
Tumawa ako, "Tapos na noh."
"Ang bilis naman. Ikaw na miss Darna."
Tumawa ulit ako, "Oh, anong balak mo ngayon?"
"Teka teka, balak? You mean, gusto mong may gawin tonight? Ha! Ready ako ngayon. Wala akong ginagawa, so, let's hang-out! Tawagan ko si July."
"Gusto ko talaga lumabas ngayon para kumain. Hindi pa ako kumakain ng dinner." Sagot ko at kumulo na naman tummy ko.
"Tamang tama dahil treat kita tonight, okay? Dahil bagong lipat ka pa at wala ka pang masyadong foods."
"Ayan ka na naman."
"Sus, miss Darna, wag ka nang mahiya. Ako pa ba? So, I'll just text you the place near by dyan sa dorm mo. Okay? Bye." Paalam niya at binaba na niya.
I sighed and looks at the place. It looks good pero sa tingin ko, parang may kulang. Ang tahimik, walang kabuhay buhay. Like something's wrong.
Parang siya.
Hala ako, tigil na. Please.
Erase.
Tumayo na ako at pumunta na ng kwarto ko para magpalit ng damit.
_________________Nang makapagpalit nako ng damit at naayos ko na din yung sarili ko, sinara ko na yung ilaw at nilock ko na din yung pinto pero bago ako umalis, muntik na ako matapilok at nanlaki mata ko dahil may malaking mascot na nakasandal sa gilid ng pinto ko.
"Jonas?" Siya nga. Yung mascot kanina.
Umupo ako na parang ka-level ko siya at inaalog alog ko siya para magising pero hindi siya magising.
"Jonas? Gising." Mahinhin kong sabi pero hindi pa din siya nagigising.
"Kawawa naman 'to. Puyat siguro." Dagdag ko at tumayo nalang ako.
Hinayaan ko nalang siya dun at bumaba na ako ng hagdan.
Nakita ako ni lola Karen at kumuway sakin, pumunta ako sa desk niya at sinulat ko yung name ko sa log book kung saan bawat labas at pasok mo, kailangan mong pumirma.
"Kamusta naman yung pag-aayos mo ng mga gamit, hija?" Tanong sakin ni lola Karen.
"Ayun, okay naman po. Successful." Ngiti ko sa kanya, "Sige po, alis na po ako." Paalam ko at dumaretsyo na ako palabas at buti naglong sleeves ako dahil sobrang hangin ngayon.
Naglakad na ako papunta kung saan sinabe ni Kathleen. At hindi na ako makapaghintay na kumain.
_________________Zac
"Zacky!"
"Wake-up, bro!"
Nahihilo ako at para akong inaalog ng marahas at nang dinilat ko mga mata ko, inaalog nga ako ng marahas. At bigla ako lumaban at bumangon.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...