"Dapat hinayaan mo na akong bayaran yung dress." Sabi ni Troy habang nagdridrive.
"Ano ka ba, ako naman ang nanghiram kaya... ako dapat magbayad. Tsaka may naipon naman ako." Sagot ko at tumahimik kaming dalawa.
"Um, Troy?"
"Yeah?"
"Ano pala yung sasabihin mo dapat? Hindi kase natuloy, dumating yung sales lady e." Sabi ko.
"Um, yun ba? Um, I'll tell it to you but promise me, you will not get mad."
Tumango nalang ako.
"Okay, um... the truth is, nagparamdam din samin si Zac." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.
"Nung isang araw pa." Dahan dahan niyang sabi, "I know I should tell it to you but... I don't think you're ready for it."
I looked down.
"Alex, I'm sorry-"
"Okay lang." Sagot ko, "Tama ka. I'm not ready for it. Pero, kung nagparamdam na siya, ibig sabihin, nakakausap at nakakasama niyo din siya?"
"Yeah, we always hang-out."
"Uhh. Ibig sabihin, okay lang siya."
Oo, Alex. Okay lang siya. E, ano naman ang expected mo? Umiiyak din siya? Depressed dahil sayo? Hindi ka nga niya mahal, Alex. Kaya, wag ka na mag-expect.
"Alex..." Mahinhin niyang sabi, siguro nahalata niya yung tono ng boses ko.
"Nakwento niya siguro yung kagabe."
"Um, actually, nandun kami sa party."
"Huh?" Gulat kong sabi, "Nandun? Nakita niyo ako? Nakita niya... nakita niya ako umiinom?"
"Yeah."
"Nako po." Namutla mukha ko at anu-ano pumasok sa isip ko.
"We tried to take you home but Zac don'r want it. Wala naman siyang ginawang masama, right?"
"Wala. Actually, parang inalagaan niya ako. Kahit wala siya dun sa paggising ko." Sagot ko.
"He loves you, that's why."
Really? Totoo ba yun? Mahal niya ba talaga ako?
I erased it. Tumingin nalang ako sa bintana at hindi ko na sinagot yung sinabe ni Troy.
"Um, aalis ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit?"
"Dun ka ba magstastay sa university?"
"Nope. I'm gonna stay in my own house." Sagot nito.
"Bahay mo? Sarili mong bahay?"
"Yeah." Ngiti nito.
"Um..." Ayoko pang umuwi. Parang gusto ko pang malaman yung tungkol kay Zac.
Alex, wala ka na dapat malaman tungkol kay Zac. Tapos na kayo. Wala nang kayo. Pupunta ka kila Troy kase gusto mong may kakwentuhan ka. Yun ang gawin mo.
"Alex?" Tawag sakin ni Troy dahil ko na natuloy yung sinabi ko.
"Um, pwede bang dun muna ako magstay sa inyo? Tutal, maaga pa naman tsaka... wala din tao sa bahay. Kung okay lang sayo..."
"Um..." Mukhang nagulat siya sa sinabe ko kaya hindi siya makasagot.
"Di bale nalang, Troy. Tatawagan ko sina Kathleen." I quickly said at kinuha ko yung phone ko para tawagan si Kathleen.
Nakakahiya, kay Troy pa ako sasama. Sana pwede si Kathleen o kaya si July.
"Alex..." Mahinhin na sabi ni Troy pero sinabe ko kagad, "E'to na, nagriring na." Sarcastic kong tuwa.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...