one hundred; hug

3.6K 185 10
                                    

Alex

"Sam, anong oras ko makilala yung bago nating socio-cultural officer?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay siya ng buhok na kay haba haba.

Nandito kami ngayon sa canteen at dahil na rin na magkaklase kami, naisipan namin na kumain ng marami ngayong break time dahil sa susunod na mga oras, aasikasuhin na namin yung first event kasama yung mga officers ko and Zac will be there too.

To judge us. To criticize us. To comment or suggest something before the real event.

At ngayon rin magaganap yung judging chuchu ng socio-cultural officer namin para sa top 10 bands na matatanggap.

"Ngayon na po, Ms. President. Papunta na raw po siya dito sa canteen." Sabi niya, "Nakakuha ka na ng pagkain mo?"

"Hindi pa pero kukuha na ako, may ipapasabay ka ba?" Tanong ko.

"Hmm, brownies nalang." Ngiti niya.

"Brownies? Diet ka na naman?" Tawa kong sabi at tumayo nako.

"Medyo?" Tawa rin niyang sagot at biglang may nagsalita sa harap namin.

"Excuse me, here's your food." Sabi nito.

"Wow. Samin 'to?" React ni Sam.

"Nagkakamali ka. Hindi samin ito. Hindi pa kami kumukuha." Sabi ko naman.

"Ako na ang kumuha para sa inyo." He winks.

Wait. Did he just winks at me?

"Teka..." Sabi ko at parang familiar yung mukha niya.

"Ikaw yung lalaking nakabangga ko nung isang gabi diba?" Dagdag ko.

He smiles, "I'm really flattered that you remembered me, Alex."

"Nakilala mo na pala siya e." Ngiti ni Sam.

"Kilala mo siya?"

"Siya yung socio-cultural officer natin, si Charles." Sagot niya at kinakain na niya yung brownies na binigay ni Charles.

Oh.

"Tama ka dyan, Sam. At talaga nga naman na may plano nako para sa judging ko." Pagyayabang niyang sabi at umupo siya sa upuan at habang ako naman, speechless pa rin sa nalaman ko.

Wala naman masama kung siya yung socio-cultural pero I have a bad feeling about this.

"Alex, uso umupo." Asar ni Charles, "Akala ko ba magplaplano tayo?" Dagdag niya.

"Um, okay nako na nakatayo."

"Sure ka?"

Sa totoo lang, hindi ako okay na nakatayo. Nakakangawit. So umupo ako sa tabi ni Sam na nagulat sa ginawa ko. At siguradong napansin rin ni Charles dahil napangiti siya rito.

"So, sabihin mo na mga plano mo." Umpisa ko.

"Alright." Sabi niya at kumuha siya ng papel at binasa niya ito, "What: Judging Top 10 Bands for the Battle of the Bands. When: Today. Where: Sa kahit anong room available."

"Dun nalang sa music room." Suggest ko, "Mas magandang opportunity para sa kanila, hindi masyadong malaki o maliit."

"Pwede." Sagot naman ni Charles.

"Okay, na-take down notes ko na lahat." Sabi naman ni Sam which is by the way, my secretary.

"Sa music room nalang." Ngiti ko, "Makikiusap ako kay Ms. Morett kung pwede natin hiramin yung music room niya then kapag pumayag siya, off you go."

"Um, ako lang?" Tanong nito.

"Bakit, gusto mo bang kasama ako?" Sagot naman kagad ni Sam na nakangiti.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon