Nang matapos ko nang basahin lahat at hindi nako magtataka kung ano ang first event for this school year.
Battle of the Bands.
Kapag naaalala ko yun, naiinis ako sa sarili ko. Unang event na sinira ng pag-ibig ang utak kong nananahimik.
Lumabas nako ng library kahit ayoko pa dahil malamig at nakakaantok pero kailangan. I am a role model now. Kailangan kong patunayan yun para sa ibang tao at para sa future ko. Konting kembot nalang at gragraduate nako.
Saan ba yung office nung mokong na yun? Ay, oo nga. Naalala ko na. A long long time ago, nakapunta nako sa office nun, during his meeting. Hinintay ko siya ng matagal, kahit umabot ng 5 hrs. Nakatulog nako lahat lahat, hindi pa rin ako umalis. At nang matapos na yung meeting niya, nakita niya ako at kinilig na ewan which is hindi naman totoo. Bumawi siya sakin by taking me to a dinner date.
But that is already a past.
Nang nandito nako sa harap ng pintuan ng office niya, bigla ako nakaramdam ng kaba at takot.
Alex, naalala mo ba yung sinabe mo sa kanya kanina? Na gagawa ka ng paraan para mawala siya sa buhay mo? Tuloy yun diba? Tanong ng konsensya ko.
Oo naman, tuloy na tuloy pero mamaya ko na iisipin yun pag-uwi ko at kapag wala nakong gagawin. Sagot ko.
Wala pa kaya siya dito? Kung wala, mas maganda. Mas hindi nakakakaba at mas hindi nakakatakot.
I take a deep breathe, once again I will be going inside his office. May nagbago kaya?
I turn the door knob, it clicked. I slowly opened it at sumilip muna ako.
Walang devil.
Nawala kaba ko bigla. I'm safe. I'm safe at looking at him. Yes.
Pumasok nako at kahit isa ay walang nagbago. Ganon pa rin. Yung mga bookshelves niya, nakaayos alphabetically. Yung lamp shade niya, nakabukas.
Nandito ba siya? Sinarado ko ito to save it's power. At tinignan ko yung picture frames niya, nandito pa rin pictures namen. At nandito pa rin yung wacky kong itsura.
Wala ngang nagbago.
Ilalagay ko lang naman mga papel sa desk niya e. No problem, napakadali.
Nalagay ko na mga papel na pipirmahan niya at napatingin ako sa isang picture na mukhang sira, nakaipit ito sa notebook niya.
Kinuha ko ito at tinignan.
Family picture.
Family niya.
Ngayon ko lang nakita ito, halatang nasunog. Kalahati ng katawan ng tatay niya wala na at halata rin na luma na.
"Kamukha niya nanay niya." I slightly smile, "Sinadya niyang sunugin ito dahil sa lungkot, takot." Dagdag ko pa.
"Let's talk in my office." Familiar yung boses.
Oh my goodness. Nandito siya! Sila, I mean. Kailangan ko nang umalis. Binalik ko yung picture pero hindi na sa dating lugar dahil sa kakamadali ko, nabangga yung lampshade at sasaluhin ko na sana nang tuluyan nang bumagsak.
Napaupo ako dahil sa depressed at naririnig ko na yung murmur nila, it's too late para lumabas dahil bumukas yung pinto at nagtago nalang ako sa ilalim ng desk niya which is, kasya naman ako.
Narinig ko na sila na nag-uusap.
Kinakabahan ako, grabe. My only problem is, wag siyang uupo sa upuan niya. At siguradong magtataka yun dahil halatang nagalaw yung lampshade at yung picture.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...