ninety one; dream

4.8K 213 24
                                    

Alex

Napalaki mga mata ko at hindi ako makasalita dahil tama ba mga narinig ko?

Rebound.

Gawin ko siyang, ano?!

"Troy... ano yung... um, teka..." Sabi ko sa kanya at paikot ikot ako, iniisip ko kung tama ba narinig ko o hindi.

Jusko. Baka nagkamali lang ako?

Gusto niyang maglaro ng basketball? Uh, oo, ganon na nga siguro yun.

"Pero, Troy, hindi ako marunong magbasketball. Sorry." Sabi ko sa kanya.

Magsasalita na dapat siya pero hindi ko na siya pinagpatuloy pa kundi ako na ang nagsalita.

"Upo nalang tayo dito." Sabi ko sa kanya at umupo na rin naman siya.

"Alex, I-"

"Troy, wait!" Pinastop ko siya using my hand at tinakpan ko buong mukha niya which is weird dahil nakikita ko yung itsura ng mga mata niya na confused.

"Kung anuman yung sasabihin mo, I don't think I'm ready for it." Sabi ko.

Teka, ano nga ba sasabihin niya sakin?

Na gusto ka niya! Sabi ng konsensya ko.

Hindi niya ako gusto. Sagot ko naman.

Gusto ka niya, halata naman e. Nahihirapan lang siyang umamin. Nakikipagtalo na naman yung konsensya ko.

Gusto mo rin siya diba? Nagulat ako sa dagdag ng konsensya ko.

Hindi ko siya gusto. Si Zac lang mahal ko, siya lang. Sabi ko sa konsensya ko.

"Alex." He mumbled habang nakalagay pa rin yung palm ko sa mukha niya.

"Sorry." Bigla kong tinanggal.

"Alex, I have to tell you something and this time, nothing can stop us."

"Troy-"

"Please, Alex."

Is this the right time?

Nanahimik lang ako.

"Alex... I care about you and I want to help you that's why we're here. And that's why, I'm holding this hand..." Dahan dahan niyang hinawakan kamay ko at hindi ako umangal.

"I love you, Alex." Amin niya.

"Alex!" May sumigaw.

"Uy, gising!" Gising?

Teka... bigla kong dinilat mga mata ko at nagulat ako dahil panaginip lang pala lahat ng ito.

"Okay ka lang?" Si Kathleen pala ito.

"Um, kase... ang weird ng panaginip ko. I swear." Sabi ko, "Kanina pa ba ako nandito?"

"Kagabi pa." Sagot naman ni July.

"Sino nagdala sakin?"

"Troy." Sabay nilang sagot sakin.

"Uh." Yun nalang nasagot ko.

Pero sa awa ng Diyos, hindi siya totoo dahil hindi ko kakayanin pa kung maging totoo man yun. Thank you, author, dahil hindi siya totoo. Panaginip lang ang lahat.

"Sabi niya samin, natagpuan ka nalang daw niya umiiyak sa gitna ng daan habang umuulan. Ano bang nangyari kagabi? Nakapunta ka ba kay Zac?"

Sana panaginip nalang din mga nakita ko. Pero hindi e. Nangyari na.

Tumango ako.

"Here, you have to eat something. Lunch ka na nagising." Sabi ni July habang may dalang breakfast meal.

[Book 2] Love has no limit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon