I need to boost some confidence. I need to strengthen my body. I need to ease my mind. And I need to end this moving-on thing.
Inalis ko yung kumot at nahulog ito sa sahig, umupo na muna ako sa kama at kinuha ko yung phone kong luma, tinignan ko yung oras. It's 5am.
"Tamang tama! Kailangan ko kumuha ng lakas." Sabi ko.
I stretch my arms, bend my head to the right and to the left.
Kinuha ko ulit phone ko at tinawagan muna si Kathleen.
"Goodmorning!" Sigaw ko, "Wake-up, wake-up! Dali, samahan mo ko. Magsuot ka ng pang jogging mo. Kitakits dito sa bahay. Bye!" At binaba ko kagad ito.
Tinawagan ko naman si July, "July August September! Gising!"
"Alex?" Antok na sabi niya.
"Magsuot ka ng pang jogging. Kitakits dito sa bahay. Bye!" Sagot ko at binaba ko na kagad.
"I can do this! Kayang kaya ko 'to." Dagdag ko at tumayo na ako, palakad ako nang bigla akong nadulas dahil sa kumot ko.
"Aray."
Sayang naman energy ko. Hays.
_______________"Alex! Bakit ang aga aga mo nanggising? Ano bang meron?" Sabi ni Kathleen.
"Oo nga, inaantok pa talaga ako." Sabi naman ni July.
"Girls, kailangan naten 'to." Ngiti ko habang nagjojog kami.
"Alex, mas kailangan mo 'to noh."
"Oo nga, bakit mo bigla naisipan na magjogging?"
"Like what everybody said to me, kailangan ko magmove-on."
"You mean, gagawin mo na talaga?" Gulat na sabi ni Kathleen at nagtinginan silang dalawa.
Tumango ako.
"Sure ka na ba? Baka kapag nakita mo siya, wala na 'tong moving-on mo."
"Hindi ah. Totoong totoo na 'to. Sabi ko nga sa sarili ko dati, lalo ako naging palaban, matapang, malakas at sa buong storya ng buhay ko, papatunayan kong ganon nga ako." Explain ko.
"Buti naman. Kung ganon ang gagawin mo, sasamahan kita kahit ganito pa kaaga." Sabi ni Kathleen.
"Yes, ako din."
At nagngitian kami.
________________Zac
"Zac, ano bang ginagawa naten dito?" Tanong ni Louis, "Ang aga aga ginising mo ako."
"Shhh, wag kang maingay."
"Uy, ano na naman 'to?" Sabi ni Troy nang dumating siya.
"Isa ka pa. Umupo ka." Sabi ko habang nagtatago kami sa bushes.
"Nagtatago ba tayo?" Tanong ni Troy.
"Yes."
"Bakit tayo nagtatago?" Tanong naman ni Louis.
"My investigator told me that Alexandra is here somewhere. With her friends." Sabi ko.
"What? You mean, we're going to spy at them?" Sabi ni Louis at binatukan ko siya.
"We're not going to spy at them. We're just going to look at them."
Nagkatinginan sina Louis at Troy habang ako naman hinihintay si Alexandra kung dito man ang punta niya.
"Ano naman gagawin ni Alex sa ganitong oras?" Tanong ni Troy.
"Nagpapalakas yun." Sagot naman ni Louis.
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...