30 mins na ang nakalipas nang maka-order kami sa Starbucks at syempre libre niya. Buti nalang dahil wala akong dalang wallet. E, nakalimutan ko. Hindi ko naman sinadya pero nakalimutan ko talaga.
Hala siya, broken na nga, makalimutan na din. Tao ka pa ba? Sabi ng konsensya ko at hindi ko nalang pinansin kundi hinintay ko si Troy na kunin yung in-order niyang cinnamon roll.
Nang matanggap na niya ito, umupo na siya at tinignan niya ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Inumin mo na yan." Sabi niya habang nakatingin sa Java Chips ko na hindi ko pa iniinom.
Sa totoo lang, wala akong sa mood para magkape at makipag-usap. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa kanya.
Gusto mo lang kase magtanong tungkol kay Zac mo. Uy, hindi ah. Kinakalimutan ko na siya. Unti unti na. Ayoko na ngang pag-usapan e.
"Pwede bang, sabihin mo na yung mga kailangan mong sabihin? Naka30 mins na tayo pero wala pa rin nangyayari."
"Okay." Simpleng sagot niya, "I found a place for you to stay." Dagdag nito at nanlaki mata ko sa sinabe niya.
"Wait. Paano mo nalaman?"
E, sina Kathleen, mama at si July lang ang nakakaalam nun. First of, kailangan ko talaga ng malilipatan for a while dahil ayoko naman na araw araw akong ihatid at sunduin ni mama papunta at pauwi sa school. Tsaka, mas okay yung may sarili akong tiny house. Parang dorm lang pero nandun na yung kitchen, living room, parang apartment lang din.
Gustuhin ko man sa dormitory ulit kaya lang, I don't wanna risk my life for that. Lalo na puso ko. Malamang, nalaman na ng ibang estudyante na hindi na kami. So, it means, back to normal lifestyle na. Kaya, kahit papaano iniiwasan kong mapatagal sa school. Uwi kagad. Ganon. Delikado na, kung sinu-sino ang pwedeng makasalubong ko.
At kailangan ko talaga ng dorm or a room. Parehas lang naman yun. So, kahit saan basta malapit sa school, okay nako dun.
"Kathleen told me. Well, ako ang nakipag-usap sa kanya."
"Ano?!" Napasigaw ako at yung mga tao sa paligid ko, tinitignan ako pero nagsorry naman ako kagad.
Hay nako, Kathleen. Kaibigan nga kita. Yippie! Tuwang tuwa ako.
Tumawa si Troy.
"Troy, hindi mo naman kailangan gawin yun. Kaya ko makahanap ng malinis, mura, tahimik at walang..." Napaisip ako at bigla ko siya naalala.
Zac.
Zac.
Zac.
"Alam ko. That's why, I found you a place to stay na kung saan, tahimik, mura lang, at malinis pa. At walang... Zac."
Talaga? Nako, kung ganon naman pala, mas okay yung napili niya kaysa sa nahanap ko.
Pero, sa huli niyang sinabe, hindi ko alam isasagot ko sa kanya. Dapat nga, hindi ko siya kinakausap ngayon e. Dapat talaga, hindi. Bakit ba kase ako nandito?!
"Troy, aalis na ako." Bigla kong paalam at iniwan ko nalang yung inumin ko at diretsyo na ako sa pinto nang makalabas na ako, bigla niya ako hinarangan.
"Alex, please."
"Troy, ano bang gusto mong mangyari? Magka-ayos kami? Hinding hindi na yun mangyayari. Imposibleng mangyari pa yun. Kaya, wag mo na akong pigilan." Sabi ko pero pinigilan pa rin niya ako.
"I'm not here to fight with you. I'm here to help you. Kung anuman ang nasira ni Zac sayo, ako na ang babawi."
"Hindi mo kailangan gawin yun, Troy. Kase para sakin, tapos na. Tapos na kung anuman ang ginawa niya sakin."
BINABASA MO ANG
[Book 2] Love has no limit.
Teen Fiction[COMPLETED TRILOGY] [old name: dorm mates 2] Zac and Alex's infinite love story continues and will be tested in a twisted way. Will they fight for their love or just give-up and let everything go? This is a work of a fiction. The names, characters...